Nasa labas kami ng registrars office at pinoproseso ang application namin for graduation nang makita ko si Lemon.
Nagtitigan kami bago sya ngumiti. Ngumiti rin ako. Its been 1 month already. Wala naman silang kasalanan para maging bitter ako sa kanila.
Lumapit sya, "akin na" ani nya.
"okay lang Melon" nakangiti kong sabi.
Kinuha nya ang hawak kong folder. "ako na"
"Melon" nahihiya ako kasi maraming tao at halos lahat nakatitig sa akin, sa aming dalawa.
Pumasok sya at naiwan ako sa labas. Wala na akong magagawa. Inayos nya lahat at may kung ano pa syang tinipa sa desktop.
"ang unfair naman, kanina pa tayo dito tapos sya nakashortcut" parinig ng mga nasa pila.
"ex ni pres, ngayon naglalandi na naman sa student council president" ani ng isa.
"ang hilig sa mga lalaking may posisyon, buhay nga naman ng kumakapit" natatawang sabi ng isang kasama nila.
Napailing ako. Insecure lang?
Nakangiting lumabas si Melon. "congrats Zi" ani nya sabay abot ng folder. "nandyan na rin ang evaluation paper"
Tumango ako. "salamat Melon"
"oo naman Zi, always" ngumiti sya.
Ngumiti ako.
"Nandyan narin ang clearance sa loob" ani nya.
Tumango ako.
Alam kong mali ang tinanggap ko ang tulong nya pero sya naman ang namilit at hindi ako.
Habang sinusuri ko ang mga grades ko, hindi ko maiwasang mapangiti sa saya sa ganda ng mga grado ko. Walang bagsak, matataas lahat kahit naging malandi pa ako sa panahong to.
Natigil ako bigla nang mapansin na may nakatayo nang lalaki sa harapan ko. Binaba ko ang hawak kong papel at pinasok sa loob ng folder.
Umiwas ako pero nakaharang parin sya.
Tumigil ako at tinitigan sya. Halatang tumakbo sya, naghahabol ng hininga at pawisan.
"can we talk?" ani nya habang hinihingal.
Napangiti ako at umiling. "no need, naiintindihan ko ang lahat Kaz, you dont have to say sorry or paasahin ulit ako"
Nanatili syang nakatitig sa akin.
"so okay na yon, move nalang tayo at magkanya-kanya na" umiwas ako at nilagpasan sya.
"im sorry" ani nya.
"okay na nga, ano ba!" naiinis kong bulyaw. "kahit hindi kana magsorry, okay na" sagot ko.
Sumunod sya. "pwede bang pakinggan mo muna ako?" napapikit sya. Halatag nagtitimpi sya sa galit nya. "kailangan mo akong pakinggan"
Umiling ako. "for what? Okay na yon. Wala na tayong magagawa at wala narin akong choice kundi magmove on" tinulak ko sya. "pwede ba, nakabaon na nga ako sa kahihiyan Kazi, ano pang gusto mo? Ilambitin pa ako sa flag pole para malaman ng lahat kung gaano ako umasang seryosohin mo?"
"ginagawan ko na ng paraan, may usapan na kami ni Lauren" bulong nya. “kailangan ko lang hingin sayo babe, magtiwala ka sa akin, please?"
Natigilan ako. Tinitigan ko sya ng diretso. "huwag mo nang ituloy Kazi, hindi kita kawalan para ibaba ko ang sarili ko at maging kabit mo. Nabuo na nga ako sa mali, ngayon gusto mo pang gawing mali rin ang buhay ko" umiling ako. "alam mo gaano kahirap maging anak sa labas, ngayon gusto mo rin akong igaya sa Mama ko?" tumulo ang mga luha ko. "tangina! Tigilan mo na ako"
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...