Sinulit ko ang pagkakataon na makasama sya habang inaantay ang flight namin pauwi ni Champ.
Tuwing umaga, ginagawa ko na ang mga requirements at kailangan gawin para hindi masayang ang oras ko, gabi ko lang kasi nakakasama so Kazi dahil sa trabaho nya.
Dahan-dahan narin nababago ang lahat. Naging mas focus si Kazi sa buhay. Pinagsasabay nya ang pag-aaral at trabaho, habang iniintindi ang meron kami at sinasanay na ang sarili ko.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan syang pagod na pagod na nakadapa sa kama at may takip na kumot sa pang-upo dahil sa.... alam nyo na.... Double time din kami dahil ilang weeks din kaming hindi magkikita kung makakauwi na ako pabalik ng university.
Inayos ko na ang mga gamit ko ng dahan-dahan para hindi sya magising. Bukas alas onse ang flight namin ni Champ pauwi. Ihahatid nya kaming dalawa.
Gusto kong hilahin ang oras na sana bukas graduation na para magsasama na kami. Mas excited ako sa ganun kesa sa adventure na gagawin ko sa buhay ko.
Umilaw ang phone ko. Isang picture ang pinadala ni Champ sa akin. Nakangiti ko itong binuksan dahil akala ko picture ng barkada. Napatitig ako sa picture ng maayos. Picture ni Kazi together with sister, mom and Lauren. Oath taking ceremony ni Kazi.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako manhid. Alam kong totoo ang sinabi ni Ate Faith. Gusto ng family nya si Lauren kasi kapareho sila ng hilig at level ng talino. Kung titingnan sa picture, bagay sila.
CHAMP:
Sayang wala ka during this special moment 😔Nakangiti akong nagtipa ng reply.
'Oo nga eh, busy rin kasi tayo 😥'CHAMP:
nakapost yan sa school page. Pero huwag mo nang silipin. Ayokong masira ang huling night mo with him.Ako:
👍Hindi ako eskandalusa, pero hindi rin ako ang tipong hindi ko aalamin ang lahat. Binuksan ko ang school page at hinanap ang post. Binaha ng pagbati at papuri si Kazi ng mga guro at estudyante. May isang picture pang kasama na nakangiti sila at magkatabi, nakatitig sa isa't isa at nasa beywang ni Lauren ang kamay ni Kazi.
Ilang besis akong mapalunok. Nasasaktan ako pero parang hindi. Magkasama kami at alam kong genuine ang pagmamahal nya sa akin. Hindi nagkulang sa atensyon, oras at pagmamahal si Kaxi para magduda ako. Siguro hindi lang talaga ako ang gusto ng family nya for now.
Mabilis kong sinara ang phone ko. Tinapos ko ang pagliligpit at tinabihan si Kazi sa kama.
Hindi mawala sa isipan ko kahit pilit kong pinapaunawa ang sarili ko. Kinakalma ko ang sarili ko habang pinagmamasdan ang madilim na paligid ng kwarto namin.
Umilaw ang phone nya. Unknown Number. Ayaw ko sana makialam kasi ni minsan hindi ko pa nagawa. Pero ayaw ko rin magtanim ako ng duda sa puso ko at mawalan ako ng tiwala kay Kazi.
Dahan-dahan kong inabot ang phone nya mula sa side table at nilapit sa kamay nya. Nagkunwari akong tulog habang nakikinig. Antok nya itong sinagot. "hello"
(kaz, hindi ka ba uuwi ngayon?) boses ng babae.
"hindi, bakit?" di parin nabago ang posisyon nya.
(sa kwarto mo ulit natulog si Lauren, umuwi kana kasi inaantay ka nya)
"okay" antok nyang sabi. Binaba nya ang tawag at uminat sya.
Nagpatuloy ako sa pagkukunwaring tulog pa para hindi maging awkward ang lahat.
Dahan-dahan syang bumangon at nagbihis. Maya maya lang nilapitan nya at hinalikan sa pisngi bago sya umalis.
Pagkasara nya ng pintuan. Tumulo agad ang mga luha ko. Ganun ka bilis akong sinampal ng katotohanan.
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...