Nasa harap ako ng nakabukas na bintana at pinagmamasdan ang makulimlim na umaga ng syudad. Buhat kagabi, hindi ako mapalagay sa nakita kong resulta ng PT.
Hindi ko alam kung sasaya ba ako o malulungkot sa natuklasan ko. Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa ako handa. Alam ng puso at isipan ko'ng hindi pa ako handa.
Umilaw ang phone ko. Walang may ibang nakakaalam ng number ko lalo na ngayong nakaroaming ako. Si tita Ella at si Melon lang.
Pagod ko itong sinagot. "hello"
(nasa labas na ako ng Rio hotel) ani nya.
"Melon, wala ako sa mood lumabas ngayon" pagod kong sabi.
(i know your not feeling well, tell me your room number)
"for what, ayoko" malungkot kong sabi.
(may dala akong gamot at pagkain)
"meron na ako" ngumuko ako.
Matagal syang nagsalita sa kabilang linya.
"Melon"
(wala akong planong guluhin ang buhay mo, gusto lang kitang samahan at tulungan ngayong araw)
"sige, antayin mo nalang ako sa baba nagbibihis na ako" binaba ko ang tawag nya.
Nagsimula akong mag-ayos, dala ko narin sa loob ng bag ko ang mga papeles.
Pagbaba ko, naabutan ko syang may hawak na paper bag. Nakapolo shirt at na kulay itim at maong na pantalon. Ngumiti ako at kumaway.
Tumayo sya at sinalubong ako ng ngiti at yakap. "akala ko magmamatigas ka pa"
"sana, pero okay na rin na may kasama ako ngayong araw kesa mag-isa akong maglalakad sa daan"
Tumango sya. "kumain ka muna" tinaas nya ang paper bag nya.
"sa labas na tayo kumain, wala akong gana sa kwarto" ngumiti ako.
Tumango sya at tinuro ang isang banda, "my open area dyan banda kung saan pwedeng kumain"
Sabay kaming pumunta sa tinuro nyang open place habang nag-uusap.
"nasa Australia na si Kazi, kasama si Timmy"
"bakit si Timmy ang kasama nya?" kunot noo kong tanong.
"alangan naman si Lauren?" napatitig sya sa akin.
"oo, future wife nya yon dapat lang na magtulungan sila"
Ngumiti sya. "ang dali mong sumuko"
"sa dami na ng nangyari sa buhay ko, ano pa ba ang pwede kong gawin na hindi ako makakabigay ng negative effect sa mga taong nakapaligid sa akin" umiling ako. "hindi mo alam Melon gaano kahirap mag-isa"
"nandito naman ako, kami" ani nya.
Umiling ako. "sana hindi makarating kay Kazi na magkasama tayo dito at kung ano ang mga alam mo" yumuko ako. "hindi na kayo parte ng buhay ko para idamay ko pa kayo.
"ikakasal narin si Ona" bigla nyang sabi.
Napataas ako ng mga mata ko sa kanya.
"hindi rin kay Faith" umiling sya.
Napahinto ako at hinawakan ang braso nya. "bakit hindi kay Faith?"
"matagal nang engage si Ona sa iba, alam narin ni Faith yon bago sila pumasok sa relasyon nila, para silang friends with benefits" kumindat sya para magets ko ang ibig nyang sabihin.
"unfair" umiling ako.
"wala na tayong magagawa don, aalis din naman si Faith papuntang Hawaii nandon ang family nya" ani nya.
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...