11

370 21 9
                                    

"ako nga po ma ang magtuturn-over ng korona" kausap ko si Mama.

(sumali ka ba ulit? Huwag na Ziandra, ayokong mapahiya ka) inis na boses ni Mama.

Napatawa ako. "sige ma, isend ko nalang sayo ang video ng rampa ko para maniwala ka"

(bahala ka, binalaan na kita)

Napatawa ako ulit. Minsan naiisip kong kaedad ko lang si Mama dahil parang ang gaan nyang kausap.

(napadala ko na ang allowance mo at pambayad sa trip, mag-aral kang mabuti huwag ka puro pacute lang)

"mama naman" ngumuso ako. "hayaan mo, ipapakilala ko sayo sa susunod ang boyfriend ko"

(hay naku Ziandra, wala akong oras makilala yan, alam ko bakla na naman yan) umirap si Mama.

Napatawa ako. "yung sinend ko sayong picture, sya yung boyfriend ko  Mama"

(sa gwapo non, delikado ang mga gwapo, gayahin mo nalang yung kanta ni Andrew E)

"yoko nga!" ngumuso ako.

Napatawa sya. (sige na, may trabaho pa ako)

Kumaway ako at ilang besis nagpalipad ng halik bago binaba ang tawag niya.

Nagmadali akong magligpit ng mga gamit ko. May pictorial ngayon para sa Mutya ng Unibersidad. Kasali ako at mukha ko ang gagamitin para sa online wallpaper, posters and tarp.

Sina Champ and Melba ang magtatahi ng gown ko. Bumili sila ng pulang tela at yun daw ang isusuot ko kasi pula ang theme ng event. Ruby dahil 40th  Anniversary ng University.

Si Champ ang lalapat ng make up ko. Ever since sumali ako at nanalo simula nong college level palang sya ang make up artist ko.

Bumaba ako suot ang maluwag na polo shirt ko. Sinimulan nila ni Melba  sa buhok ko.

"dapat stand out ang beauty mo mamaya friend para alam na agad na ikaw ang inang reyna" si Melba.

"dapat lang" si Champ. "kasali daw ngayon yung kapatid ng queen at embyerna sa beauty mo mare kasi bakit daw hindi ang ate nya ang rarampa"

Ngumuso ako. "malay ko ba, ako ba ang nagpresenta?"

Napatawa si Melba, "makitid nag utak marz, ikaw na ang mag-adjust ha, matured kana"

"mag-inarte sya kung sya na ang bibigyan ng korona" umirap si Champ.

"tama!" umirap ako.

Nagsimula na silang maglapat ng make-up. Kinulot na rin nila ang mahaba kong buhok.

Pinasundo ako ni Kazi kay Melon gamit ang kotse nya. Sa SSG office ako magbibihis. Don kasi ang resting and dressing room ngayong pictorial. Sa kaharap na Botanical Garden kasi ang pictorial kaya pinagamit na ni Kazi ang opisina nila.

"melon busy ba kayo ngayon?" napatitig ako sa kanya habang inaantay namin ang dalawa na binalikan sa loob ang isa pang pares ng heels.

"oo medyo" napatitig sya sa akin. "you look beautiful" sabay turo ng mukha to. "bagay sayo ang make up mo" ngumiti sya.

"talaga? Si Champ ang naglapat nito" ngumiti ako. "magaling sya"

Pumasok ang dalawa dala ang dalawang pares ng heels.

Pagdating namin sa building, pinapasok kami agad ni Melon sa office ni Kazi habang ang mga contestant naman nasa conference room at lobby nagsihanda ang iba.

Nakaupo ako sa sofa habang pinapanood ang dalawa sa pag-ayos ng tela.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Kazi. Napahinto sya nang makita akong nakaupo sa sofa at nakangiti. "sorry pres, nauna na kaming pumasok"

Crossing Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon