9

405 19 10
                                    

Kabado ako para mock interview. Dito sa mock interview magbabase kung saang kompanya kami ipapadala for interview, sinasalang muna bago kami bibigyan ng certification para makapag-interview sa mga kapares na hotel ng University.

Nakangiti ako habang sinusuri ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa kwarto namin. Bagong uniporme kasi ang suot ko at ito ang uniforme na gagamitin namin para sa work-ex at practicum.

"para talaga kayong mga flight attendant sa uniform nyong yan" si ate Winnie.

"oo nga ate" nakangiti kong sabi. Sinuot ko narin ang pares na sapatos.

"bagay na bagay sayo ang uniform mo, nakakaintimedate ang ganda mo, kaya siguro ang daming insecure sayo" napatawa sya.

"walang ganon ate, ano ba yan" ngumuso ako. "galit sila kasi ako ang girlfriend ni Kazi at siyempre naiinis sila kasi love love ako ng SSG president" kinikilig kong sabi.

Umirap sya. "huwag masyadong mag-invest neneng, maggiwan ka naman para sa sarili mo"

Tumango ako. "oo naman, lagi ko naman iniisip yan ate"

"sige na, nasa baba na ang kotse ng SSG President natin" bully nya.

Kinikilig kong kinuha ang tote bag na pasalubong sa akin ni Kazi last December.

Pagbaba ko napangiti ako nang makita syang naka uniform din ng SSG. My meeting sila ng 10 pero ihahatid nya muna ako bago sya pupunta ng office nila.

"ganda naman ng crush ko" bulong nya pagkasara ng pintuan, yumuko pa sya at sumilip sa bintana. "parang magbabago na ata ang plano ko for us" tukso nya.

"bilisan mo na, mahuhuli ka narin" saway ko.

"wala nang itatanong sayo ang guest nyo, baka matulala nalang yon dahil sa ganda mo" umiling sya. "kelan ka pa natuto maglagay nito" tinuro nya nag kilay ko.

"ano ka ba, may subject kami para sa mga ganito" ngumiti ako. "bagay noh?"

Napangiti sya. "after grad, after bar, kahit nasa bahay dapat may pakilay ka rin"

Napatawa ako. "sa susunod na tayo mag-usap about that babe, ihatid mo na muna ako"

"kahit late ka pang dumating, matatanggap kana don" ani nya.

"sana nga babe para naman makapasa na agad ako ng mga credentials" nakanguso kong sabi.

Napatingin sya sa akin. "galingan mo mamaya ha?"

Tumango ako.

"tawagan mo ako after ng interview mo, baka ipasundo nalang kita kung hindi pa kami tapos" ngumiti sya.

"sasabay nalang ako kina Champ mamaya, baka sa labas kami kakain"

Napatingin sya sa akin.

"tatawagan kita o itetext kung ano ang plans and whereabouts ko mamaya" ngumiti ako ulit.

Tumango sya.

Binaba nya ako sa acad complex kung saan gaganapin ang interview namin. Bago ako bumaba hinaplos ko muna ang braso nya. "babe, control mo lang ang init ng ulo mo ha? Huwag kang masyadong magalit mamaya kung may nagkamali, please? Baka tatanda ka kaagad"

Tumango sya. "text me, dahil baka sayo ako magagalit mamaya kung hindi kana naman nagrereply"

Ngumiti ako at ngumuso. Kahit may lipstick ako, hahalik parin si Kazi. Wala syang pakialam kung mabawasan ang kulay ng labi ko o malagyan ng kulay ang labi nya.

Idinikit nya ang labi nya." goodluck babe, galingan mo ha?"

Tumango ako." thank you baby ko"

Lumabas ako ng kotse nya at kumaway sa kanya bago ko sinara ang pintuan.

Crossing Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon