Dumiretso ako sa dorm para maligo. magbihis. Nag-ayos ng kaunti habang tinatiming ang oras na makita sya. May meeting si Kazi sa office nila at gusto ko syang surpresahin na hindi makagawa ng kahit anong agaw pansin scene.
Suot ang black fitted boatneck sleeveless ko at boyfriend pants ko. Nagpalit narin ako ng bag at flat shoes. Naglapat narin ako ng kaunting make-up at inayos ang buhok ko.
Kinikilig ako habang nakatitig sa salamin. Bagong kilay, first time nagpalagay ng lashes at bago itong cream na gamit ko.
Excited akong pumunta ng office nya para makita sya. Hindi madali ang walong araw na hindi ko sya nakita. Namimiss ko na sya ng sobra.
Pumasok ako at nahihiyang kumaway sa student assistant na nagwawalis. Sumenyas ako ng 'sshhh' at tinuro ang office nya.
Tinuro nya ang conference room. Nakangiti akong umiling at tinuro ang office ni Kazi.
Ngumiti sya sabay tango, siguro nagets nya na ang gusto kong gawin. Pinapasok nya ako sa office ni Kazi. "sandali tatawagin ko lang ha?"
"huwag nalang, gusto ko sanang surpresahin sya" ngumiti ako. "hihintayin ko nalang syang pumasok"
Tumango sya habang titg na titig sa akin hangang sa pagsara nya ng pintuan. Nakaupo lang ako sa sofa habang hindi nirereplyan si Kazi na kanina pa nagtatanong kung nasaan na ako.
BOSS:
Reply babe, please.Napangiti ako, buong araw nya akong tinetext pero ni isa wala akong reply. Sure akong umiinit na ang ulo nya ngayon.
Tuwing umaga pagkagising nya ako ang unang babatiin nya, lunch, dinner at bago matutulog. Ganyan ako kamahal ni Kazi at hindi yan nabawasan kahit kelan.
Umiilaw ang phone ko tawag nya pero hindi ko pa rin sinasagot.
Patuloy ang meeting nila sa kabila. Nang bumukas ang pintuan.
"dumating na ba ang HRM?" boses ni Kazi.
"oo kanina pa raw" si Melon.
"buong araw hindi sya nagrereply sa akin" mabigat ang bawat yapak ng paa nya.
"baka walang load" si Timmy.
Diretso pumasok si Kazi bitbit ang isang folder nang makita nya akong nakaupo sa isang single sofa sa harap ng mesa nya.
Ngumiti ako at kumaway. "surprise" nakangiti kong sabi.
Napatitig sya sa akin at napailing. Lumapit sya at niyakap ako ng mahigpit. "i miss you so much" bulong nya.
"nag fieldtrip ka ba o nagbeauty retreat?" si Timmy.
Ilang besis kong pinahalata at pinakita ang bagong gawa kong lashes. Hindi mahaba pero kumapal.
Hinagkan ni Kazi ang magkabilang pisngi ko bago ako siniil ng halik. "buong araw akong wala sa tamang katinuan dahil hindi ka nagrereply" saway nya.
Kinikilig akong ngumuso. "sorry babe"
Nilingon ko sina Timmy at Melon, kumaway ako sa kanila at binati sila.
"mamaya kana magpacute, may meeting pa kami" si Timmy.
Ngumiti si Melon sa akin nang umirap ako sa sinabi ni Timmy.
"just stay here, malapit na kaming matapos" si Kazi.
Tumango ako at bumalik sa kinauupuan ko.
May hinanap silang documents sa mga folder na nasa mesa ni Kazi. Sabay-sabay din silang lumabas nang makita nya na ito.
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...