Sumunod ako sa mga kaibigan ko sa sisigan pagkababa ko ng tawag ni Champ. Ayaw ko talaga sana sumabay kasi umiiwas na ako kay Pres. Napapadalas na ang pagtatagpo namin. Bumabalik sa isipan ko ang umagang yon, kahit sinong mayinong babae ikakahiya yon.
Knowing he's someone admired by many tapos ako, childish at ganda lang ang meron.
Nasa isang mesa kami at halatag nag-iwan sila ng isang upuan para sa akin.
Nakangiti akong lumapit sa kinaroroonan nila. Tumayo si Drake at ibinigay ang upuan para makatabi ko si Champ, at sya.
Nagsimula nang nagdatingan ang mga inorder nila. Hawak ko na ang kutsara ko at handa nang tumikim nang mapansin ang matang nakatitig sa akin sa isang dulo.
Pinilit kong ideadma ang presensya nya at nagkunwaring hindi ako apektado sa kanya.
Kumuha ako ng isang isaw at tinikman ito kapares ng pinaghalo halo nilang sauce. Masarap.
"masarap noh?" si Drake.
Tumango ako. "ilabas nyo na ang inumin" biro ko.
Napatawa sila sa sinabi ko.
Umakbay si Drake sa akin. "behave kana, sa sobrang kalasingan mo nong open house, napilitan kaming iwan ka don kasi tulog na tulog kana" bulong nya.
Siniko ko sya. "isa ka rin pala sa mga salarin"
Napatawa sya. "lasing din kami pero nakauwi pa kami. Wala nang may kakayahang buhatin ka"
Pabiro ko syang pinagsusuntok. Natatawa naman sya. "hinayaan nyo akong matulog sa bahay ng iba, paano kung napahamak ako don?"
"nandon si ate Wen, natawa pa nga sya dahil feel nafeel mo nga yong tulog mo don kaya di ka nalang namin ginising" bulong nya.
"Pero iniwan nyo parin ako" ngumuso ako.
"wala namang nangyari sayo" ani nya.
Nilapag ang mga kanin at ilang ulam na inorder nila. Kumain ako habang nakikinig sa mga tuksuhan at kantsawan.
Pag-angat ko ng ulo ko. Nakatitig parin sa akin si Kazimierz. Halatang pinag-aaralan nya ako. Siguro iniisip nya ngayon nagkamali sya ng napulot na babae at tinabi o nanghihinayang sya sa isang tulad ko lang ang pinatula nya. Siguro iniisip nya rin kong maghahabol ba ako o magpapaflirt sa kanya.
Yumuko ako at inayos ang suot kong damit. Naka fitted boatneck sleeveless akong kulay black at nakainsert sa kupas kong denim shorts. Tulad ng nakasanayan ko, patong patong parin ang suot kong necklaces na may iba't ibang haba. Nakadanglings ng bilog at nakalugay ang buhok.
Tinaas ko ang mga kamay ko at tinalian ang buhok ko para makakain ng maayos. Medyo awkward pa nang napansin kong tumagilid pa ang ulo nya nang magmove si Sarah at naharangan ang kinaroroonan nya.
Napailing ako nang magatama ang mga mata namin. Para syang bampirang gutom. Nakaabang na kainin ako.
Kumain ako na para bang walang mapapansin sa paligid. Inenjoy ko ang pagkakataong makasama ang mga kaibigan ko sa ganitong peer date namin.
Tumunog ang phone ko at si Mama ang tumatawag. Tumayo ako at pinakita ky Champ ang phone ko sabay excuse.
Lumabas ako at kinausap si Mama sa parking area.
"ma" bungad ko.
(pinadala ko na ang allowance mo, may inorder akong damit para sayo sa Shein, pakita mo sa akin kung matanggap mo na, bayad na yon) ani nya. Naririnig ko na ang mga hospital announcement sa linya.
"okay po ma" yumuko ako.
(magpapadala ako ng pera sa tita Evelyn mo, don ka magpapasko sa Maynila para makasama mo ang mga pinsan mo tsaka.......)
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...