4

338 16 6
                                    

Lumabas ulit si Kaz nang tinawag sya ni Ona para makisali sa kanila sa inuman. Wala rin syang magawa kahit ayaw nya sanang malasing pero dahil birthday nga ng isa sa mga matalik nyang kaibigan, napasubo na ito.

Napainat sya ng mga kamay nya at pagod na huminga ng malalim. "ayoko ko sana"

"sige na" ngumiti ako.

Napatitig sya sa akin. "okay lang ba talaga sayo?"

Napatawa ako at tumango.

Hindi makatanggi si Kazi kaya napilitan narin syang iwan ako sa kwarto ulit. Si birthday boy na kasi ang tumawag sa kanya.

Nanatili ako sa loob ng kwarto, nabusy ako manood ng mga vlogs o kaya tiktok hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras, tatlong oras na pala ang lumipas na nasa kwarto lang ako.

Taga oras pumapasok si Kazi para silipin ako. Naaamoy ko na ang alak pero wala akong magagawa, malaki na sya at nasa tamang edad para sawayin. Mas matanda pa nga yon sa akin.

Sumilip ako sa bintana at tiningnan kung marami pa bang mga kotseng nakaparada, bago ako sumilip rin sa pintuan. Kaunti nalang ang tao, marami nang umuwi at nailigpit narin ang ibang mga pagkain, malinis na ulit ang salas, alas onse narin kasi. Narinig kong nagpaalam na ang mga applicants ng fraternity and sorority nila sa kanila.

Sumilip ako ulit sa bintana kung saan makikita ang garahe at kung saan naroon ang mga inuman kanina, iilan nalang silang nakaupo at nagkukwentuhan. Halos mga close friends nalang nila ang naroon at nakapalibot sa isang mesang may mga inumin. Nakasuot na ng hoody jacket si Kaz at namumula na ang pisngi.

May ilang mga babae pa sa salas, mga kaibigan ni Faith, Nag-iinuman rin at nagbobonding.

Lumabas ako para kumuha ng pagkain nang maramdaman ng gutom. Nakakahiya man pero anong magagawa ko, naaamoy ko ang mainit na bihon.

"may bagong food dyan Zi, lumpia at bihon dala nila" tinuro ang mga kaibigan nya.

Ngumiti ako at kumaway sa ilang familiar faces sa akin. Ang ilan sa kanila naging kaibigan ko narin dahil kay ate Faith. "hingi ako ha" sabay turo ng bihon gisado"

Masayang ngumiti si ate Faith. "kuha ka lang dyan" ani nya.

Kumuha ako ng bihon habang umuusok pa.  Maraming laman at gulay. Halatang hindi tinipid sa rekados. Marunong akong magluto pero mas masarap parin kung luto ng iba at kakain ka nalang.

Habang kumukuha ako ng lumpia, may biglang tumabi sa akin, si Melon.

Nilagyan nya ng lumpia ang plato kong hawak. "masarap to" ani nya.

"huwag kang masyadong uminom, wala ka pa namang girlfriend para umalalay sayo" paalala ko.

Napangiti sya at tinitigan ako. "i really dont get it, why your so cruel to me para isampal mo talaga sa akin ang reyalidad"

Napabungisngis ako ng wala sa oras. "sorry Melona" lambing ko na may pakurapkurap pa ng mga mata ko.

"why dont you suggest someone instead of bullying me" napatingin sya sa akin.

Ngumiti ako at umiling. "sorry, walang bakante sa mga kaibigan ko, we're all fully occupied na po"

"tsk" desperado syang umiling. Binaba nya ang tong at napatukod sya sa mesa sabay titig sa akin. "then, ill wait for your vacancy instead" napataas ang isang daku ng kilay nya.

Napatitig ako sa kanya na para bang hindi makapaniwalang si Melon ang kausap ko. "now i have another melona flavor here!"

Napailing syang nakangiti at tumayo ulit ng tuwid. Kinuha nya ang tong at nilagyan ng isa pang lumpia ang plato ko. "leave something special for the next man who will pursue you. We never know the future" ani nya.

Crossing Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon