Nakatulala ako buong araw habang sinisimulan na ang burol ni Mama. Sa isang funeral home nakalatay ang abo ni Mama.
Dumating ang ilang kamag-anak, mostly mga kaibigan at dating kaklase ni Mama.
Atake sa puso ang kinamatay nya. Biglaan, habang tulog at sobrang pagod ang katawan sa trabaho. Kung saan na ako graduate tsaka naman sya nawala.
Sa ikatlong araw ng burol. Maaga akong pumunta ng funeral home para samga kailangan asikasuhin sa libing. Sa museo na ililibing si Mama. Ito kasi ang gusto nya. Nagawa nang ayusin ni Mama ng lahat, mula cremation fee, bayad ng limang taon sa museo at mga babayarin sa burol. Hindi ko alam paano nya nagawa ang lahat ng wala akong kaalam-alam.
Para akong walang kwentang anak. Ni hindi ko manlang namalayam na may dinaramdam na pala sya. Alam kong may sakit si Mama pero hindi ko alam na malubha na sya. Hindi ko alam na malapit na pala syang mawawala sa akin.
Habang nakaupo ako sa harapan ng abo nya at tinititigan ang litrato nya hindi matigil tigil ang mga luha ko sa pag-agos. Nasasaktan ako dahil hanggang sa huli, napakawalang kwenta ko paringa anak. Siguro kung malalaman nya pang hindi ako makakapaso at may hinaharap akong scandal sa University baka mas lalo ko lang nadurog ang puso nya.
Walang tigil ang mga luha ko sa kakaiyak. Pinaghalong desperado, lungkot at panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ako naging mabuting anak sa kanya, may mga bagay na hindi ko sinasabi, may mga pagkakataong nagloloko ako at hindi sumusunod sa mga utos at payo nya.
Yumuko at taimtim na ipinagdasal si Mama. Wala na akong ibang magawa ngayon kundi tanggapin ang lahat. Tanggapin nawala na sya at ulila na ako.
Alas dyez nang dumating si Dad. Nakiramay sya kasama ang isng anak nyang lalaki. Nirerespeto ni namin ni Mama ang pamilya ni Dad kmat alam namin abg papel namin sa buhay nya.
Niyakap nya ako pagkakita nya sa akin. Sabay tumulo ang mga luha namin. Humingi sya ng sorry ng ilang besis habang yakap ako. Umiyak sya at tahimik na nagdasal sa tabi ko. Ilang besis syang paulit-ulit na humihingi ng tawad sa akin pero wala naman akong nakitang mali nya sa buong buhay ko.
Matagal na naming alam at tanggap ni Mama na dikit lang kami sa buhay ni Dad, kaya nga mas piniling umalis at sa ibang bansa magtrabaho Mama at iwanan ako sa bahay nina Lola kesa ibigay ako kay Dad.
Nagtama ang mga mata namin ni Kuya Clark, kilala na nila ako bilang kapatid nila sa labas, nag-iisang babae nilang kapatid at walong taon ang agwat naming dalawa, sya ang bunso sa tatlong anak ni Dad sa legal nyang asawa.
Malungkot akong yumuko. Hindi ko alam kung galit ba sya o hindi. Laging walang laman ang mga titig nya.
Bago sila umalis. Nag-abot ng pera si Dad pang gastos sa burol ni Mama. Hindi ko sana tatanggapin pero si Dad ang nag-insist.
Lumapit sa akin ang kapatid ko at niyakap ako. "huwag kang mahiyang lumapit sa akin kung may kailangan ka, kapatid ka namin at anak ka ni Dad" tipid syang ngumiti sa akin. "kamukha mo si Tita Yvette, para kayong pinagbiyak na bunga" ani nya.
Ngumiti ako. "salamat po sa pagpunta"
Tumango sya at hinaplos ang pisngi ko. "get some rest, you look tired" ani nya.
Naiiyak akong tumango. Naiiyak ako kasi sa unang pagkakataon nagsalita sya niyakap ako. Noon kasi nagtatago ako tuwing nakikita ko silang magkakapatid. Takot ako lagi dahil alam ko ang lagay ko sa buhay nila.
Sa araw-araw ng burol bumibisita si Dad, hanggang sa libing. Ibinili nya ng sariling museo si Mama para hindi na ito rerenta pa taon taon.
Ilang gabi rin ako walang tigil sa iyak sa pangungulila. Bumabalik sa ala-ala ko ang lahat. Lahat ng mga moments namin ni Mama, lahat ng mga pinagdaanang lungkot, saya at layo sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...