"ito na ang susuotin mo para hindi ka mapagod, hindi ka naman kasali" si Melba. Pinakita nya ang 5 inches heels.
Tumango ako at kinuha ang inabot nyang heels. Sinuot ko ito at napangiti sa ganda at comfortable sa paa. "sayo ba to?"
Umiling sya, "sa ate ko, isang besis nya palang nagamit yan" kumindat sya. "hiniram ko muna, class A yan"
Tumango ako at tumayo para subukan ilakad yun. "ang ganda naman nito"
"yan na ang gamitin mo, bagay naman yan sa lahat kasi nude" umupo sya at inikot ang mga mata sa paligid. Ngumuso sya nang makita ang mga contestants na parareho ang mga gamit na shoes.
"bakit hindi ka nasali?" tinuro nya ang mga sapatos nila.
"oo, sponsored yan ng Marikina Youth Leaders" ngumiti ako. "Si Kazi kasi humingi nyan sa mga kaibigan nya don, sayang lang at hindi ako kasali dahil 20 lang ang nirequest nila, late na kasi nalaman na ako pala ang rarampa para sa turn-over"
"ang ganda noh?" ngumiti sya. "iba talaga si Pres"
Tumango ako. "magaling talaga ang baby ko" kinikilig kong sabi.
Umirap sya. "ayusin mo ha, kailangan ipakita mong deserve mo to"
"oo naman, babawi tayo"
Sinubukan kong maglakad, tumalon at tumakbo gamit ang sandal. Sasayaw pa kasi kami kaya naninigurado lang akong hindi ako mapapahamak ng sapatos.
Nagsimula na ang insayo. Im wearing the black soft breeze frilling off-shoulder top at tattered design denim shorts. Nakadress code kasi ang practice everyday kaya kung ano ang meron ako, yun nalang rin ang susuotin ko.
Dahil ako ang mauuna sa linya, una akong lumabas at sumabay sa choreographer, tinuro nya kung saan ako iikot, san ako hihinto at kung saan ako tatayo.
Natanaw ko na sa baba si Kazi kausap ang faculty incharge para sa pageant.
Kumaway si Timmy at nasa tabi nya ang seryosong mukha ni Melon.
Hinawakan ng baklang choreographer ang beywang ko at sya ang naging gabay sa gagawin kung pagkembot at pag-ikot sa area na yon.
Napansin ko ang pagtagilid ng ulo ni Kazi sa sitwasyon namin, lalo na nang hawakan ng bakla ang paa ko para ituro sa akin ang pivot turn na gagawin ko.
Lumapit sya at napatingin sa aminng dalawa. Nanigas ang ngiti ko sa hiya lalo na ayaw na ayaw ni Kazi ang nahahawakan ako ng ibang lalaki.
"kembot ka dito ng tatlong besis bago ka iikot" inulit nya ng isa pang pagkakataon bago tuluyang nakalapit si Kazi sa paanan ng stage.
"anong oras kayo matatapos" tanong nya.
Bumitaw ang bakla at nagpacute kay Kazi. "pres, before lunch pa" kinikilig nitong sabi.
Sa di kalayuan natatanaw ko ang tawa nina Melon at Timmy.
"huwag mo masyadong pagurin ang mga contestants para hindi sila haggard sa Pageant night" habilin nya.
"yes pres" nakangiting sabi ng bakla.
Napatagilid ako ng ulo ko at inirapan si Kazi. Halatang gusto nya lang alisin ang kamay ng bakla, gumawa pa ng eksena.
Tumango sya at sinilip ako. Napatitig pa ito sa akin bago tumalikod.
"ang gwapo ni Pres, ang sarap" kinikilig na sabi nya habang kagat ang labi nito.
Biglang umikot si Kazi at bumalik sa amin. "text mo ako kung tapos na kayo, dadaanan kita" diretsa ang titig nya sa akin.
Tumango ako at bumalik sa practice ko. Ayokong magpahalata sa lahat.
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...