Nabalik sa alaala ko ang nakaraan. Paano nga ba naging kami.
Dahil mula sa kamay ng matatanda, malimit ang bawat galaw ko noon during high school, may curfew, may sundo at laging nasa tabi ng grandparents ko. Kaya naman nong napunta na ako sa University na to, para akong ibong nakawala sa hawla.
Nakaupo ako at nakikinig habang seryoso sa first time experience kong uminom ng malalakas na kargada ng inumin, san mig light palang kasi ang natikman ko at nalasing rin ako noon. Ito na ang pangalawa.
Para na akong nakalutang that time pero sumasayaw pa ako at sinasabayan ng pagheadbang ang music. Alam kong nasa akin ang atensyon nya sa mga oras na yon dahil hindi naman ako manhid. Never akong nagpakita ng kahit anong conceited, flirty and assuming reaction dahil alam kong pwede mag assume ako ng ganun ka bilis dahil marami kaming nasa dance floor, siguro trip nya lang akong titigan, isa pa si Kazimierz sya, SSG President at kilalang esnabero. Kung sakali man tama ang kutob ko, marami akong mababanggang babae sa campus.
Sino ba naman ako, 2nd runner-up lang sa Mutya ng Unibersidad. Iniwan sa ere at pinaasa ng manliligaw kong sikat ring dancer ng school, akala ko nga sya na ang magiging una kong boyfriend pero nong natalo ako sa Mutya, biglang nagbago ang ihip ng hangin at hindi na nagparamdam ulit. Ginawa akong multo ng gago mga teh.
Nong medyo tipsy na ako. Pumasok ako sa loob at sa sofa na sumandal. Mygad! Kung anong mangyari sa akin dito wala akong masisi kundi ang sarili ko. Katangahan ko to at kagagahan.
Wala naman sigurong magkakainteres pa sa akin, kahit maganda ako wala din naman sumiseryoso sa akin. Lahat ng manliligaw ko mabilis nagsasawa sa mukha ko, bigla nalang nawawalan ng gana at umiiwas sa akin ng walang paliwanag. Minsan akala mo hindi na ako kilala dahil kahit pansinin ako sa daan, di nila magawa.
Huminga ako ng malalim bago ako umayos ng upo. Pinagmasdan ko ang nasa paligid ko. Lasing narin ang mga kasama kong babae at marami pang sumasayaw at meron pang busy sa karaoke machine. Pumipili ng mga disco music.
Walang tulugan ang sabi nong pumasok kami dahil inimbita kami ni Timmy dito. Magpinsan sila ni Champ at gustong gumala ng bakla sa upper level raw ng campus society.
"okay ka lang?" si Champ.
Antok akong tumango at ngumiti.
Tinuro ko siya at nagtaas ako ng hinlalaki ko.
Napatawa sya. "Lilipat kami sa kabilang bahay kasi nandon sina Drake, iiwan na muna kita dito ha. Huwag kang mag-alala safe ka naman dito" ani nya.
Ngumiti ako. Maliban kasi sa kalasingan sobrang pagod narin ako.
"nandito pa naman si ate Winnie, baka sya na ang kasama mo pauwi" sigaw ni Champ sa akin.
Tumango ako nagtaas ng kamay para senyales na okay lang ako.
Tumayo ako at naghanap ng matatambayan, nakakahiya kong sa sofa ako hihiga maraming pang bisita, wala akong kakilala dito, baka may biglang tumabi sa akin at kung ano pa ang gawin.
Umakyat ako at sinubukang magbukas ng kwarto, napangiti ako nang makitang may naghahalikan sa loob. Nagtaas ako ng kamay at sinara agad sabay "sorry, akala ko banyo"
Sinubukan kong magbukas ulit pero nakalock. Nakalock din ang kasunod. Ang pinakadulo na ang huling kong bubuksan. Pero bago ko nabuksan yon, may nauna nang naglahad ng kamay sa akin at binuksan ang pintuan. Inalalayan nya akong makapasok at pinaupo sa sofa.
Narinig kung may bumukas sa pintuan. "bro sorry, iniwan muna nina Champ kasi lasing na, umikot pa kasi sila"
"its okay, di rin naman ako matutulog" ani nya.
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...