24

1.7K 50 54
                                    

Ang bilis ng mga araw na nagdaan, hindi ko halos na naramdaman ang ilang buwan na ang lumipas.

Kasama ko ngayon si Kuya Clark para sa monthly check up ko. Pagkatapos kasi nito, sasamahan nya akong mamili ng mga furnitures at ilang gamit sa bahay.

"kung hindi ka makapag-antay mauna ka na. May inuutos pa si Dad sa akin"

(bakit ba ayaw mo akong ipakilala sa kapatid mo?) reklamo ng babaeng nasa kabilang linya.

"next time na, i have to go" suplado nyang sabi.

Ngumuso ako nang makitang mabilis nyang binaba ang tawag.

"bakit ka naman nagalit?" ngumuso ako at umupo ng maayos.

"bago palang kami pero gusto na agad  dumikit, ayoko ng ganon" kumindat sya at palokong ngumiti.

Umirap ako. "so ganyan pala kapag gwapo noh?" pang-aasar ko.

Napangiti sya. "ibig kong sabihin Zi, hindi lahat ng lalaki seseryosohin ka" napatitig sya sa tiyan kong limang buwan na ngayon. "kapag makita ko ang lalaking nang-iwan sayo sa ere wala akong ititira sa kanya, kahit anino nya ililibing ko" taas kilay nyang sabi.

"Ayan ka na naman, sumipa na naman ang anak ko dahil sa takot" biro ko.

"nagkamali sya ng binuntis" umiling sya. "kung pinayagan lang kami ni Dad na makalapit sayo nong una pa lang baka puno kana ng body guard kay Carlson" umiling sya. "walang pwedeng makakaisa sa aming tatlo" tinuro nya ang noo ko. "kaya huwag kannag umasa pa" umiling sya sabay hila ng seatbelt at ayos nito sa akin.

"pareho naming nagawa tong mali, pero handa naman akong itama ang lahat kuya" ngumiti ako. "Babawi ako sa anak ko noh"

"hay naku Ziandra, unang apo ni Erpat walang ama!" diretsa ang mga titig nya  sa daan. Maingat si kuya sa pagmamaneho, maliban kasi sa nakasakay ako sa harapan, mamahalin rin ang kotse nya.

"imagine, apat kayong tatayong ama nya tapos lahat masungit pa" huminga ako ng malalim.

"huh!" napangiti sya. "kung babae yan, hindi na ako mag-aasawa, pero kung lalaki aampunin ko para malaya kanang magbuhay dalaga ulit"

"huwag na, mag-asawa ka at nang magkaroon na sya ng kalaro" saway ko. "balang araw, mabubuo rin kami"  ngumiti ako. "makakahanap din ako ng lalaking kaya syang tanggapin"

"wala nang makakalapit sayo" sarkasatiko syang napangiti. "sa palagay mo ba, papayagan ka pa ng tigreng yon na mabuntis ulit ng kung sinong lalaki?, nakaisa ka pero di na mauulit yan Ziandra" umiling sya. "taga mo yan sa noo mo"

"tinatakot mo na naman ako" saway ko.

"pasalamat ka nga ako ang kasama mo, try mong sumama kay Carlson, baka maihi ka sa kinauupuan mo" ani nya.

"mabait si kuya Carlson" napakunot ang noo ko. "hindi lang masalita pero alam kong mabait yon"

Tumango sya. "try mo lang, tingnan natin kong di mo kakainin ang lahat ng sinabi mo"

Umamba akong batukan sya pero natawa lang ito.

Sa kanilang magkakapatid, si Kuya Clark lang ang makwento. Ang panganay naming kuya na si Calvin, puro negosyo ang nasa isip. Sa tuwing nagkikita kami, malimit ang bawat convo namin. Pero ramdam ko na tanggap nya ako. Si kuya Carl naman ang misteryoso sa tatlo. Sa tuwing nakikita nya ako, puro habilin ang sinasabi nya. Mostly, 'mag-ingat ka at huwag tatanga-tanga'... at itong si Clark ang kasundo ko. Sya ang nakapalagayan ko ng loob at laging nandyan kapag kailangan ko ng tulong.

Simula nong dinner, naging parte ako ng buhay nila. Siguro dahil malalaki na kami at wala na silang choice kundi tanggapin ako. Pero ramdam ko naman na totoo sila sa akin.

Crossing Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon