Kumain kami sa labas at nagpakasaya.
Picture dito at picture doon.Pumasok kami sa mga luxury brands, umikot at naghanap ng makaya ng bulsa namin, kung saan bumili kami ng wallet, nilibre ako ni Kazi. Pareho kasi kami ng kinuhang disenyo.
Nasa tallest tower kami ng Gand Lisboa at inienjoy ang mamahaling pagkain habang nagkukwentuhan. Dahil iba ang naglalaro sa isipan ko, nakikinig nalang ako sa kanilang apat. Hinawakan ni Kazi ang kamay ko sa pinatayo ako. "can we talk?" ani nya.
Tumango ako at tinuro ang isang side kung saan pwede lang kaming tumayo sa harap ng malaking glass wall habang tinatanaw ang ganda ng Macau.
"my mom wants me to stay in Manila and study more" ani nya.
Tumango ako at ngumiti. "i know, hindi naman kasi lahat may ganyang opportunity in life, babe" nilapitan ko sya. "buong araw mabigat ang presensya mo"
Umiling sya. "kasi we have our plans already, we want to get married, start our family and work an ordinary jobs" huminga sya ng malalim.
Napapikit ako. "umiiba ang lahat babe, isa sa atin ang kailangan mag-adjust" hinawakan ko ang braso nya, "para sayo, willing ako" kumindat akong nakangiti, "hindi rin kaya madali magong misis ng Commissioner ha" ngumuso ako.
Napatitig sya sa akin at napatawa. "akala ko mahihirapan ako, ilang gabi akong balisa at natatakot na baka magalit ka at umayaw"
Tinuro ko ang sarili ko. "kahit maging chamber made mo pa ako o maging driver, okay lang ang importante suportado kita at ang success mo babe"
Napatitig sya. Titig na may kasamang ngiti. Pero alam kong iba ang gusto nyang sabihin. Sinasakyan ko lang dahil ayokong masira ang araw namin. May tiwala ako kay kazi, malaki ang tiwala kong walang hadlang sa aming dalawa.
Sino bang hindi kakabahan. Boyfriend mo ang pinakabatang commissioner, may marangal na trabaho, gwapo at matalino at higit sa lahat mahal ko at mahal ako. Kahit hindi na ako magtrabaho, kayang kaya nya akong buhayin ni Kazi.
Hindi ako ang tipo ng taong mag-iinarte sa ganitong senaryo at sitwasyon. Hinding-hindi ko sya papipiliin kung sino at ano ang mas matimbang sa kanya. Bawat tao may pangarap, bawat isa tayo may gustong marating sa buhay. It happen lang na mas matayog ang lipad nya at kailangan kong mag-adjust. Kailangan kong maging understanding kasi hindi ko naman talaga sya kayang pantayan.
"after practicum, babalik kami ni Champ sa school babe, tatapusin namin lahat in advance at sasali kami sa mga training para walang masayang na oras at pagkakataon" ngumiti ako. "tapos aantayin ko ang monthy visit mo or ticket ko to see you" napakagat ako ng labi ko habang kinikilig ako. "gusto ko rin naman mafeel ang LDR babe, masaya din kaya yon" ngumuso ako.
Tumango sya at ngumiti. Napatitig na naman sya sa akin na para bang may nahuling sekreto. "surely, ill surprise you every month" yumuko sya at niyakap ako sabay halik sa akin. "your giving me an idea babe, make sure hindi ka magsasawa" bulong nya sa akin pagkahalik nya sa tenga ko.
"ano ka ba, mas okay na rin yon para magawa ko ang thesis ko ng maayos, puro tayo landi kapag magkasama tayo" bulong ko.
Napatawa sya. "inaakit mo kasi ako, ako pa ba ang aatras?"
Kinilig ako. "ako pa talaga ang nang-aakit noh? Hinahamon mo ba akong mang-akit?"
Napatawa sya at umiling, "malayo ang hotel natin."
Mas napatawa kaming dalawa.
Gabi na nang makauwi kami. Bitbit ang ilang paper bags. Parareho kami ng halos binili lahat. Bumalik sa hotel sina Lemon at Tim, at kaming tatlo dumiretso muna sa apartment para kumuha na naman ng maisusuot ko para bukas sa duty.
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...