25

875 35 32
                                    

Naging busy ako para sa unang linggo ng trabaho. May tatlong chef na kinuha si Tita at may kanya-kanyang assignment ang mga ito.

Nangangapa ako sa pag-aaral paano ang tamang pamamalakad at paano mamuno. Akala ko madali lang, hindi pala. Nakakapressure at nakakastress.

Nagsimula narin ang paglilinis at paghahanda para sa unang catering namin. Debut. Halos wala na akong tulog sa paghahanap ng kapares ko para makompleto ang grupo ko sa mga ganitong uri ng event.

Dahil si Melba lang ang walang nakuhang trabaho sa aming magkakaibigan, kinuha ko sya bilang decorator and hall prep manager. Sa apat naming NC sa tesda laging sila ni Champ ang nangunguna sa decoration at hall prep.

"gawan mo ng paraan magkasya yan ha?" inabot ko ang 250kiaw sa kanya. "Alam kong kulang yan pero bilang panimula, malaki naman siguro yan diba?" ngumuso akom

"ano ka ba, kaya ko nang ipagkasya to" kumindat sya. "salamat Zi, binigyan mo ako ng trabaho" ngumuso sya.

"galingan mo ha, para mabilis tayong sumikat at yumama dalawa" napatawa ako.

Tumawa rin sya pero bigla tumulo ang mga luha nya. Sabay hawak sa tiyan ko. "ang daming naging sagabal sa dinaanan mo, meron ka palang pakpak pero para makalipad pero mas ginusto mong daanan lahat ng yon"

"kasi kahit kelan hindi ko ginamit si Dad as my advantage, anak ako sa labas ayoko naman dungisan ang pamilya nila para sa sarili kong kahihiyan" napanguso ko.

"ang yaman mo pala talaga, dati akala ko bretela ka lang na unica hija" napailing sya. "pero tingnan mo naman, sa inyo pala itong hotel, tapos hindi lang basta hotel, yayamaning hotel" napatawa sya.

"sa kanila, anak nga ako sa labas" saway ko.

"pero salamat zi ha, talagang hinanap mo pa ako para lang makasama" nakanguso nyang sabi.

"ano ka ba!" saway ko. "syempre, noon nga rin hindi nyo rin ako iniwan ni Champ" nakangiti kong sabi.

"hindi ko kasi iniexpect to, akala ko talaga magiging malungkot na ako, pero may makakasama pala ako, hindi lang isa, dalawa pa kayo ng baby mo" sunod-sunod tumulo ang mga luha nya.

"ako nga rin, akala ko talaga mabubulok nalang ako sa cafe ko" naiyak narin ako.

"bakit di mo sinabing mayaman pala nag Dad mo, sana nagawan ng solusyon para makagraduate ka" sabay punas ang luha nya.

Umiling ako. "alam mo naman ever since hindi ko ginamit si Dad as my advantage nga kasi uulitin ko... anak lang ako sa labas, ayoko naman masali pa siya, sila ng pamilya nya sa eskandalo ng kalandian ko"

Tumango sya. "masaya naman ako kahit papano, ikaw tong hindi nakapagtoga, pero ikaw pa tong mas naunang namuhunan"

Ngumiti ako at tumango. "galingan mo para yumaman tayo ha"

Tumango syang natatawa.

Ilaw araw nabusy si Melba sa pamimili ng mga kakailanganin nya sa Maynila. Butterfly Garden ang theme ng bebutant kaya medyo nahirapan sya lalo na't kailangan nyang mag-adjust sa budget.

Ako naman laging nasa kusina at nakabantay sa mga maliliit na catering orders. 50-100 plates, or outside catering.

Nakilala agad ang catering kahit wala pang isang buwan dahil sa koneksyon.
Mostly mga meetings and foundation ng mga Kuya ko ang costumer namin.

Isang buwan ang lumipas. Nalampasan namin ni Melba ang unang event. Maraming nagandahan sa ginawa nyang decoration, marami rin ang nakakaappreciate sa sarap at linis ng mga pagkain namin.

Habang nag-aayos ng hall para sa incoming conference, nandito rin si Clark para kulitin ako, babae kasi ang magiging anak ko. Alam ko naman yon kahit hindi ko na alamin ang resulta. Hindi nabago ng mukha ko, hindi rin umulbo ang pusod ko, ibig sabihin babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crossing Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon