2

400 18 4
                                    

Si Kaz nga talaga ang nagbigay ng welcome address sa orientation. Nakangiti ako habang pinagmamasdan syang nagsasalita. Ang galing, napakatalino nya. Mautoridad ang bawat pagbigkas nya ng salita at nakakainlove siyang pakinggan at panoorin habang nakatayo sa gitna at tinitingala ng karamihan.

Minsan nagtatama ang mga mata namin. Lumalambot ang mga titig nya tuwing nakikita nya akong nasa itaas na bahagi at nakangiti sa kanya.

Pagkatapos ng welcome address ni Kazi. Umupo sya muna sa tabi ng speaker na halatang kaibigan nya. Simula nang magtabi sila, nag kuwentuhan silang dalawa nang pabulong.

Ako:
Ayeeh! Ang galing naman ng baby ko. Naks naman! 😘😘😘 Mapapasana all naman ako.

Nakita kong binasa nya ang pinadala kong text habang kausap ang katabing speaker namin pero hindi sya nagreply. Siguro ayaw nya talagang magpaestorbo muna.

Ako:
Babe... 👋

Tumatango sya sa kausap pero nasa akin ang titig nya. Napangiti ako at masayang na kontento sa ganon kasimpleng atensyon nya.

Pumalakpak kami nang tumayo na ang speaker at nagsimula nang magbigay ng inspirational message. Nagtatrabaho sya bilang isang head sa Provincial office ng Department of Tourism.

Nakaupo si Kaz at nanatili habang hawak ang phone nya at nakikinig.

BOSS:
stop smiling up there!

Saway nya.

Napayuko ako at pasimpleng napatakip ng bunganga nang mabasa yon. Nakinig narin ako sa guest speaker habang tinatalian ang buhok ko. Wala na akong pakealam kung may makakita ng kiss mark ko sa leeg ko.

"ang gwapo ni Pres sa stage. Nakakalaglag panty talaga noh?" si Melba.

Napairap ako at umiling, pero tumawa lang ito dahil alam nyang possessive din ako pagdating kay Kazi.

"sa guest speaker ka nalang muna pumila, taken na ang SSG president girl" bulong ko.

Napatawa sya lalo, may ilang napalingon sa ginawa nya pero mabilis ko rin itong tinapik para matahimik.

"ang manok basta nakatali, mas madaling huliin" ani nya.

Siniko ko sya. "kapag nawala yan sa tali nya, ikaw ang unang hahanapin ko" umirap ako.

Todo pigil ang tawa nya habang naghaharutan kaming dalawa.

BOSS:
Behave Ziandra!

Ako:
Gwapo naman ng SSG president ko.

Yan ang reply ko.

Napansin kong napasilip sya sa phone nya at dinungaw ako. Napangiti ako dahil kahit sulyap lang, masaya na ako.

Tumabi ang president ng University Student Organizations na si Bianca sa kanya. Inupuan nya ang upuan ng guest speaker at may sinasabi.

Nagbubulungan sila pero hindi ako nagseselos. Alam kong type nya si Kazi pero may tiwala ako sa pagmamahal sa akin ng boyfriend ko.

"ayan na naman ang palaka friend" si Champ. "pabida talaga"

Siniko ko agad sya para matahimik, baka may makarinig at ano pa ang masabi sa aming dalawa.

Lumapit si Lloyd sa amin, "kanta daw tayo" sabi nya at bumaba ng ilang hakbang para tawagin ang ibang kagrupo namin.

Napakunot ang noo ko. Dont tell me kakanta ako sa harap ni Kazi. Never ko pang nagawang magpakitang gilas sa haraan nya, hindi ko pa nagawang kumanta na nasa paligid sya. Nahihiya ako.

"tayo na, bilis" si Melba. Hinila nya ako patayo kahit ayaw ko sana.

Kabado akong sumunod sa kanila pababa. Unang besis kong kumanta sa harapan nya pero sa harapan ng mga kabatch namin nakailang besis na lalo na't hindi na bago sa amin ang mga ganitong activities. Marami kaming variety show sa mga subjects namin. Pero ni minsan hindi pa ako nakapag perform na nasa paligid sya.

Crossing Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon