1

13.6K 251 26
                                    

LUNA

Pagpasok palang namin sa club ay bumungad na sa'kin ang napakaingay na palagid, first time kong pumunta dito dahil hindi ako mahilig sa ganitong lugar. masyadong maingay at idagdag mopa ang mga lasing mapa babae man o lalaki

"Hoy baka gusto mo naman inomin yang alak luna, pumunta tayo dito para mag-enjoy hindi para tumulala lang" sabi sakin ng siraulo kong kaibigan

Siya lang naman ang may kagagawan kong bakit ako na rito ngayon. talagang binantaan pa ako na isusumbong niya ako kay daddy dahil sa pagkasira nung sasakyan ko na gift niya sakin

"Do you think magagawa kong mag-enjoy kong binantaan lang naman ako para sumama rito?" inis na sabi ko sa kanya, kung hindi ko lang kaibigan to baka hinampas kona ng kaldero

"Come on, luna. wag ka maging KJ, ginawa ko lang yun kasi ako na ang naboboringan sa buhay mo" sabi niya at may kasama pang mapang asar na ngiti

Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ang baso na may lamang alak at inamoy ko ito at muntik na akong masuka dahil sa tapang ng amoy.

"Alam mo kung ayaw mo uminom samahan mo nalang ako sumayaw para naman hindi ka magmukhang nalugi" pag inom nga hindi ko magawa ang sumayaw pa kaya sa maraming tao.

"No thanks, sumayaw ka nalang mag
isa tutal ikaw lang naman 'tong nag eenjoy sating dalawa" pairap na sabi ko sa kanya.

Hindi nga ako umiinom sumayaw pa kaya sa maraming tao. hindi naman ako party girl dahil lumaki ako sa pamilyang may pinoprotektahan na dignidad. that's why mas prefer ko magbasa ng books or maglaro online games kaysa makisalamuha sa iba kahit gustohan ko man. I mean. okay na kasi sa akin na tanging mga kaibigan ko lang ang nakakasalamuha ko. since mga kababata ko naman sila

Kaya lang naman ako sumama rito para makasigurado na okay lang si rachel. wala namang kaso sa akin yung pagbabanta niya na isusumbong niya kay kuno kay daddy yung pagkasira ng sasakyan ko. I know my friend very well. kahit hindi siya mag open up ay alam kung may problema na naman sila ng daddy niya. kaya kahit hindi siya magsabi ay pinaparamdam ko nalang na andito parin ako for her

"KJ, jan kana nga baka mahawaan pa ako sayo. wag kang umalis jan babalik din ako. baka mamaya nyan may kalampungan kana ah" Rachel said, diko nalang pinansin. baka maubos lang pasensya ko sa kanya

Hindi ko talaga alam bakit inaya niya ako pagpunta rito. di hamak naman kasi na mas strict yung tatay niyang may sapak sa pag iisip.

Pagkaalis palang ni rachel ay sakto naman ang paglapit sakin ng lalaki. matangkad siya at gwapo but he's not my type, mukha pa lang alam mong manyak na

"Hey, mag isa kalang ba?" napairap nalang ako dahil sa tanong niya

"May nakikita ka bang kasama ko?" napatawa nalang siya ng mahina at tinignan ako mula ulo hanggang paa

"What's your name? you look so beautiful" edi sana nag apply nalang ito para maging reporter dahil sa kakatanong niya

"Manyak" bulong ko pero mukhang narinig naman niya dahil tumawa pa siya ng mahina

"fine, hindi kita kukulitin pero inomin mo nalang to, after that aalis nako" he said at inabot sakin ang baso

Dahil sa kagustohan kong umalis siya sa harapan ko ay inagaw kona sa kanya ang may lamang alak at kaagad na nilugok. napangiwi naman ako dahil sa pait at init sa lalamunan. hindi naman siguro ako malalasing sa isang baso lang


"Tignan natin kong saan aabot yang kasungitan mo" sabi nito at may pa ngisi ngisi pang nalalaman akala mo naman bumagay sa itsura niyang mukhang manyak

Pagkaalis niya ay biglang nag iba pakiramdam ko parang ang init at nahihilo na ako.

What the heck. I can't describe what i feel right now. this is new to me since first time ko makatikim ng alak dahil sa mukhang asong lalaki kanina

Tumayo nalang ako para magpunta sa cr. pagkapasok ko sa cr ay tinignan ko agad yung mukha ko sa harap ng salamin pulang pula ako at subrang kakaiba nararamdaman ko, napapikit nalang ako dahil sa hilong nararamdaman

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. papahatid nalang ako sa driver ni Rachel. ewan koba sa isang yon at nagawa pa talaga niyang kunsyambahin ang driver niya

Ingat na ingat pa ako sa paglalakad ng biglang may humawak ng mahigpit sa kamay ko. napangiwi naman ako sa sakit. tangina. hilong hilo na ako ako tapos may siraulo pang nanghihila

"B-bitawan moko." Pilit akong nagpupumiglas sa may hawak sa kamay ko ngayon

Hindi ko masyado maaninag ang mukha nito dahil sa hilong nararamdaman ko. idagdag mopa ang medyo kadiliman. pero sa tingin ko ay lalaki ito dahil sa tindig niya. gaspang din ng kamay

"Gusto mo bang mabawasan ang init sa katawan mo?" Bulong nito na nakapag patayo ng balahibo ko

Biglang gusto ko nalang sumuka sa pagmumukha ng manyak na 'to

"Bitaw nga sab- Aray!" Napahiyaw ako dahil sa pilit ng paghila niya sakin

God. help please. wag mong hayaan na may gawing masama sa akin ang amoy lupa na lalaking ito.

Pilit kopa hinihila kamay ko dahil alam kong sa makulimlim niya ako dinadala. hindi nakakatulong ang hilong nararamdaman ko dahil parang wala akong lakas.

"T-tulong!" Sigaw ko

"Wag kang maingay kong ayaw mong masaktan." Banta ng lalaki

"Stupid. jerk." Isang malamig na boses ang nagsalita sa likuran namin kaya napahinto sa pagkaladkad sa akin ang lalaki

"Gusto moba sumali sa amin ng girlfriend ko, miss?"

Napasandal ako sa floor ng bitawan ako ng lalaki. napapikit nalang ako dahil sa hilo idagdag mopa ang kakaibang init na sa aking katawan na hindi ko maipaliwanag.

"Let me ask you first." Rinig kong sambit ng babae. nanatili lang akong nakapikit dahil sa tingin ko ay matutumba nalang ako bigla "How many bullets do you want?"

Tila tumahimik ang paligid dahil sa sinabi ng babae. I really want to open my eyes para tignan ano nangyayari pero hindi ko magawa dahil wala parin naman akong maaninag dahil sa hilo.

"Miss. nagbibiro lang ako." Ramdam ko ang takot sa boses ng lalaki

"Ate! what are you doing?" Rinig ko pang sabi ng isang lalaki na mukhang kararating lang

Wala sa sariling napaupo ako sa floor at niyakap ang sarili. oh gosh. I feel so hot and I think I need something else to ease this hotness in my body.

Wala na rin akong naintindihan sa mga taong kasama kong mukhang nagtatalo. naramdaman ko nalang na may ipinulupot sa katawan ko. amoy na amoy ko ang pabango nitong sobrang bango. and I feel safe

A/N : ito na po yung chapter 1

The Cruel World (Editing/Revising)Where stories live. Discover now