30

5.4K 125 24
                                    

LUNA

𝖨 𝗍𝗁𝗂𝗇𝗄 𝗂𝗍'𝗌 𝖻𝗋𝖺𝗏𝖾 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝗒𝗈𝗎 𝗉𝗎𝗌𝗁 𝖺𝗐𝖺𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝗐𝖺𝗏𝖾𝗌 𝗋𝗈𝗅𝗅𝗂𝗇𝗀 𝗂𝗇 𝖾𝗏𝖾𝗋𝗒𝖽𝖺𝗒 𝖺𝗇𝖽 𝗒𝗈𝗎 𝖽𝖾𝖼𝗂𝖽𝖾 𝗍𝗈 𝖿𝗂𝗀𝗁𝗍 𝗒𝖾𝗍 𝖺𝗀𝖺𝗂𝗇 -𝖡𝗅𝖺𝖼𝗄


Wala kaming pasok ngayon kaya naisipan ko nalang na dalawin si Sydney, hindi ko kasama si Elyse kasi may importante raw siyang pupuntahan



Basta nagising nalang ako na wala na siya sa bahay. nag iwan pa siya ng sulat na hintayin ko raw siya pero dahil dakilang pasaway ako ay nauna na akong umalis



Nahirapan pa ako ilabas yung sasakyan na binili niya sa akin kasi may bodyguard siyang iniwan para magbantay sa bahay. buti nalang nauto ko si manong, sabi ko kasi sa kanya na ilalabas ko itong sasakyan kasi ito ang gagamitin namin ng amo niya ang hindi niya alam tatakasan ko lang pala siya


Talino ko noh?


"Ate luna!" Malakas na sigaw ni Sydney. patakbo pa siyang lumapit sakin na malawak ang ngiti



"Help ko na po kayo." Kuha niya sa isang box. hindi naman gaano kabigat kaya binigay ko nalang sa kanya



Nahirapan kasi ako dalhin kasi sinama ko rito si yelo. hindi ko naman siya pwede iwan sa bahay kasi walang magbabantay sa kanya



"Where's ate ganda po?" Tanong niya habang nakasunod sakin sa paglalakad


"Hindi siya sumama. ayaw ka raw niya makita." Asar ko sa kanya kaya napasimangot siya


"Joke lang, darating din siya mamaya." Pagbawi ko sa sinabi ko

"Asan ate Chen mo?" Tanong ko sa kanya ng mapasok kami sa bahay nila


Ibinaba ko muna si yelo bago ilapag sa sofa yung isang box na dala dala ko. dalawang box lang ng cookies yung dinala ko dito kasi may bawas na yung isa kaya iniwan ko nalang sa bahay


"Nasa kwarto po niya."


Napatingin ako sa paligid, kahit hindi kalakihan bahay nila organized lahat ng gamit na narito wala kang makikitang nakakalat na gamit o kahit halikabok lang man


Napadabo ang tingin ko sa family pictures nila. masasabi kong nagmana talaga si sydney kay Ate Chay. she have a real name pero chay ang tawag namin sa kanya. siya ang nakakatandang kapatid ni Chen


But sad to say she passed away dahil sa sakit niya. nasa ibang bansa siya noon dahil dun siya nakakuha ng trabaho niya pero bigla nalang namin nabalitaan na wala na pala siya


"Ate bakit naka jacket kayo? ang init po kaya." Tanong ni sydney


Nakasuot lang naman kasi ako ng hoodie dahil sa gagawan ng magaling kong professor, pinapak lang naman kasi niya ang leeg ko kagabi sabi ko wag siya mag iwan ng marka pero hindi siya nakinig sakin


"Nilalamig ako."


Buti nga nakapag pigil pa ako kagabi dahil sa pang aakit niya sakin, hindi ko alam anong masamang espirito ang sumapi sa kanya kagabi


"Ang init po ka--"


Hindi niya natuloy sasabihin niya ng salpakan ko ng cookies ang bunganga niya, ang liit pa lang niya pero ang talas na ng bunganga akala mo kung sinong matanda na pinagsasabihan ka


Naisip ko nalang na iwan muna siya sa sofa para puntahan si Chen sa kwarto niya, siguro tulog pa siya kasi masyado pang maaga


Napahinto lang ako sa paglalakad ng marinig kong may nag uusap sa isang kwarto. mukha kasing nagsasagutan kaya lumapit na ako



The Cruel World (Editing/Revising)Where stories live. Discover now