20

5.8K 148 16
                                    

LUNA

2weeks has passed....



dalawang linggo na ang lumipas at masasabi kong naging masaya naman ako. hindi tulad noon na parang normal na araw lang yung lumilipas

Naging malapit na rin kami sa isa't isa ni Elyse. kahit papaano naman ay nakakaya kong intindihin ang pabago bago na mood niya

Masyado na nga niya akong iniispoiled dahil kong ano ano nalang ang binibili niya para sakin, tulad nalang ng sasakyan na mukhang mas mahal pa sa buhay ko

Nagtalo pa kami dahil ayaw kong gumastos siya ng malaking halaga para lang sakin. pero sa tuwing nagmamaktol ako binabantaan lang niya ako

Pero wala rin namang silbi yung binili niyang sasakyan, sabi niya kasi hindi ko raw pwede gamitin yun kung hindi ko siya kasama

Kaya ang ending sasakyan niya ang gamit namin kapag pupunta na kami sa school. naging ninja pa nga ako dahil sa pagtatago ko wag lang may makakita sa amin na magkasama kaming dalawa. pero yung isa mukhang walang pake kahit may makakita pa samin

"Laway mo tutulo na."

Inis na lumingon sakin si Chen, pano ba naman kasi masyado siyang titig na titig kay ate.

"Pakyu." Sabi niya kaya natawa nalang ako

Pinapadrawing kami ngayon ni ate ng dream house namin kaya lutang na lutang ako. hindi naman kasi ako magaling mag drawing e

"Drawing mo nga ako." Siko ko kay Chen

Siya kasi ang katabi ko ngayon dahil nasa likod yung tatlo na mukhang nagbabangayan pa. mga hindi rin marunong mag drawing e

"Umabot na tayo sa college pero hindi ka parin marunong mag drawing."

Sinamaan ko siya ng tingin. kahit papaano naman ay marunong na ako mag drawing. sadyang mahirap lang ang pinapadrawing ni ate

"Lilibre kita mamaya." Pang uuto ko sa kanya

"Wala pa nga akong natatapos." Maktol niya

Panong may matatapos siya e kay ate lang siya nakatingin kanina. mukhang baluktot din ang isang to e

"Tingin nga. scam kapa naman." Akmang kukunin ko ang na drawing niya ng ilayo niya sa akin ito

"Mag drawing ka nga ng sayo, ang tanda mona pero mga stick na tao lang ang kaya mong i-drawing

Namemersonal na to ah

"Sige na kasi ah" pagpapacute kopa

Tumingin siya sakin sa nangdidiring tingin, di hamak naman na mas cute ako sa kanya. si Elyse nga nauuto ko agad kapag nagpapacute ako sa kanya e

"Yuck! wag ka nga pagpacute. di bagay sayo"

Sinamaan ko nalang siya ng tingin, wag talaga siya papalibre sakin mamayang lunch.

"Are you done Ms. Silveria?"

"A-ah hindi pa po." kabadong sagot ni Chen kay ate

Tanggal pala angas nito kay ate e

"Tapos na yan mag drawing Ma'am." Paglaglag ko kay Chen

Akala niya hindi ako gaganti ah

"Let me see it." Malamig na sabi ni ate

"H-hindi pa nga po tapos."

"Ms. Silveria." May pagbabantang sabi ni ate

Wala talaga silang pinagkaiba ng ugali ni Elyse. masyadong mga bossy

The Cruel World (Editing/Revising)Where stories live. Discover now