5

6K 173 10
                                    

Luna

"Ayoko dad." sabi ko kay dad ng makarating kami sa garden

"Just trust me, anak. ngayon lang ako hihiling sayo" ang dami pwedeng hilingin ito pa talaga.

Grabe rin pala 'tong humiling si dad e. yung magiging mahirap pa talaga sakin.

"But dad. hindi pa nga po natin kilala yang pamilyang yan tapos ipagkakatiwala niyo ako sa anak nila" kalmadong sabi ko

Ayoko parin mawalan ng respeto kay daddy

"Hindi kita ipagkakatiwala sa anak nila kung hindi ko sila kilala."

"Hindi ko maintindihan dad. pwede bang sabihin mo nalang sakin anong reason mo?" hindi ko maintindihan bakit kailangan humantong sa ganito.

"Maiintindihan mo rin sa tamang panahon anak." kailan ba yang tamang panahon na yan? kapag patay na ba ako? pero syempre joke lang. baka mabawasan pa ang maganda dito sa mundo

Sige luna gawin mo pang magbiro sa isipan mo kahit ikakasal kana sa masungit mong professor.

Duh as if namang papayag ako.

"Hayaan niyo po muna akong pag isipan." walang ka buhay buhay kong sabi.

"Akyat napo ako sa taas." muli kong sabi at tinalikuran na siya. gusto ko muna mapag-isa

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay binagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama. grabe na talaga 'tong nangyayare sakin ngayon, mas mailalala pa pala yung mga nagawa kong kahihiyan

Pilit nalang akong bumangon sa kama para mag shower. ang lagkit lagkit kona bawas kagandahan nanaman sakin to

Pagkatapos ko maligo ay binalot kona ang aking katawan ng bathrobe. hindi ko alam kong gaano nako katagal nag shower dahil sa pagmumuni ko sa loob ng banyo

Pagkalabas ko sa banyo ay dumiretso na ako sa damitan ko para makapag bihis na.

Tatanggalin kona sana ang bathrobe kona biglang tumunog ang pinto sign na may nagbukas. nakalimutan ko pa lang isara yun

Hindi ko nalang ito pinansin kasi alam kong si ate yan. siya lang naman ang pumapasok sa kwarto ko nang walang katok katok.

"Ate dito kaba matutulog?" tanong ko pero wala man lang akong nakuhang sagot.

Kinuha ko nalang ang mga pajama ko at hinarap ang kapatid kong kambal ata ni elsa.

"Alam m-"

Gulat kong tinignan si miss mariano na mukhang kanina pa ata ako tinitignan.

Agad kong inayos ang suot kong bathrobe nang pumaibaba ang tingin niya sa katawan ko.

"H-hoy manyak labas ka nga!" Inis kong singhal sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"I'm going to sleep." kalmado nitong sabi at umupo na sa kama ko.

Wow feel at home ah. talagang nakasuot na siya ngayon ng pajama. Infairness ang cute niya sa suot ng pajama

"Anong I'm going to sleep ka jan. hindi 'to guest room." naiinis kong sabi sa kanya

"Your dad tell me to sleep here." cold nitong sabi habang nakatalikod sakin. may pinapahid siya sa katawan niya pero di ko alam kong ano yun

Uto uto rin to si ma'am. talagang sinunod niya pa ang utos ni dad.

Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa

"No, hindi pwede sa guest room ka matulog." pagtataboy ko sa kanya.

The Cruel World (Editing/Revising)Where stories live. Discover now