33

5.8K 130 29
                                    

                   𝘾𝙊𝙉𝙏𝙄𝙉𝙐𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉

LUNA

"Mahilig ka pala magbasa ng mga psychology, ma'am."


Andito kami ngayon sa library ng bahay niya. hindi na kasi niya kinaya yung pinapanood namin kanina kaya inaya nalang niya ako magpunta rito sa library

"Yes." Tipid niyang saad

Bigla ko naman naalala yung kaibigan noon ni ate nung mga bata pa kami. mahilig din kasi magbasa 'yon ng mga psychology, kaso hindi kami close non kasi inaway ko siya dahil lang sa ulam

"Parehas kayo nung kaibigan noon ni ate." Sabi ko sa kanya

Wala na rin ako balita sa isang 'yon. nung nag aral kasi si ate sa US nawala rin siya bigla, then after non hindi na kami nagkita pa

"Close kayo?" Tanong niya habang naghahanap ng ibang libro

Umiling ako "Hindi, ayoko sa kanya." I said

Ayoko talaga sa kanya kasi kinain niya yung adobo na niluto ni lola para sakin. tapos hindi pa siya naghingi ng sorry noon kaya hindi ko talaga siya pinapansin tuwing sinasama siya ni ate sa bahay

"Why?" She asked nag kibit balikat nalang ako

"Punta tayo sa bahay nila sydney."

Naalala ko kasi na naiwan ko pala si yelo sa bahay nila. tsaka gusto ko rin malaman kong anong lagay ni sydney ngayon

"Kaya mo maglakad?" Tanong niya

Napailing nalang ako ng maalala ko na naman yung nangyari kagabi, until now hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari 'yon

"Malamang, ano akala mo sakin napilay?"

Masakit lang ibaba ko pero kaya ko parin naman maglakad, tsaka hindi na rin naman na gaano kasakit ngayon kaya makakalakad ako ng straight

"I think you want some rounds." Ngumiti pa siya nang nakakaloko sakin kaya binato ko sa kanya yung papel na hawak ko

Ano akala niya papauto ako sa kanya ulit. halos hindi na nga ako makalakad dahil sa kagagawan niya kagabi e. gusto pa ata niya ako makapag wheel chair

"Manyak!" Inis kong sabi

"I want to hear your moan ag--"

"Ma'am naman e!" Padabog akong naupo at sinamaan siya ng tingin


Ayoko na nga maalala 'yon kasi nahihiya ako. memorable naman sakin iyong gabi na yon, pero sa tuwing naalala ko kung paano ako nag beg sa kanya ng gabi iyon nahihiya ako

"I'm just kidding." Natatawa niyang saad "Magpalit kana. you can use my concealer to hide your hickeys" Sabi niya ulit bago ibalik yung libro sa pinagkuhaan niya

Padabog nalang akong lumabas. parang nang aasar kasi siya sa huli niyang sinabi

Nang matapos ako magpalit ay bumaba na kaagad ako. nagsuot lang ulit ako ng hoodie na kulay white at pants. malamig rin naman panahon ngayon kaya hindi na matatanong ni sydney kung bakit balot na balot na naman ako

"Wala ka atang bodyguards ngayon."

Nakakapagtaka lang na biglang nawala yung nagbabantay sa gate tapos wala pa siyang driver ngayon, siya kasi yong mag drive sa sasakyan niya ngayon


"I fired all of them." Sabi niya at pinaandar na ang sasakyan

"Bakit?" Taka kong tanong

"Ask them."

The Cruel World (Editing/Revising)Where stories live. Discover now