16

5.4K 138 19
                                    

LUNA

"Anong plano mo sa birthday mo? Wag mong sabihing wala na naman." Pagkuha ni Rachel sa atensyon ko

Naglalakad na kami ngayon papunta sa room, pinagpapasalamat ko naman na wala pa yung tatlo dahil wala akong maririnig na nagbabangayan

"Wala, hindi naman kailangan i-celebrate pa." Sagot ko sa kanya.

Pinaka ayoko talaga na I-celebrate yung birthday ko, hindi ko kayang mag-celebrate sa araw nang pagkamatay ng lola ko.

Namatay siya noong 7th birthday ko, sobrang tagal na nun pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang pangyayaring iyon. hanggang ngayon kinasusuklaman ko parin yung naging dahilan bakit namatay si lola.

"Anong hindi kailangan? once a year lang naman yan." Pagpupumilit pa niya.

Gusto ko rin naman na mapalitan nang magandang alaala yung nangyare noon pero hindi ko magawa.

"Edi ikaw nalang mag celebrate mag isa mo."

Alam kong kukulitan na naman nila akong apat dahil malapit na birthday ko, tulad nalang nung 18th birthday ko. pero hindi rin naman sila nagtagumpay dahil nagkulong lang ako sa kwarto ko buong araw.

"Si Prof Mariano yun diba? OMG! kasama na naman niya si pogi" Tili ni Rachel habang nakatingin sa unahan namin

kaya pala hindi niya pinansin sinabi ko kasi sa iba na pala siya nakatingin

Napairap nalang ako ng makita kong kasama na naman niya yung mukhang bakla niyang boyfriend. nakahinto sila ngayon habang nag uusap, talagang dito pa sila maglalandian sa school

"Oh tapos?" Taas kilay kong tanong kay Rachel, parang bigla tuloy uminit ulo ko sa nakikita ko ngayon

"Tara lapit tayo" Aangal na sana ako nang mahila na niya ako palapit kay Ms. Mariano

"Hi Ma'am, good morning po" magalang na sabi ni Rachel nang makalapit kami sa kanila.

Agad naman namin nakuha ang atensyon nila kaya napatingin sila sa amin. nang magtama ang tingin namin ni Ms. Mariano ay agad na akong umiwas ng tingin.

"Hoy batiin mo rin si Ma'am" Bulong sa akin ni Rachel, talagang siniko pa talaga ako. mamaya talaga to sakin

Hindi ko nalang siya pinansin, nagkunwari na lang akong tumitingin sa palagid.

"Hi Ms. ganda, what's your name?" tanong ng lalaki kaya napatingin ako sa gawi nila.

Bahagyang tumaas ang kilay ko nang sa akin pala siya nakatingin

"Go home now, Ethan." Malamig na sabi sa kanya ni Ms. Mariano

Akala naman niya aagawin ko sa kanya boyfriend niya, saksak pa niya sa baga niya yang mukhang bakla na yan

"Hindi ko pa nga nalalaman name ni Ms. gan-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang tignan siya ng masama ni Ms. Mariano

"Una nako, mamaya ka talaga sa akin." bulong ko kay Rachel sabay kurot sa tagiliran niya kaya napangiwi siya

Dumaan ako sa harap nila na parang hindi ko sila nakikita, hindi pa nakawala sa paningin ko ang pagbulong ng lalaki kay Ms. Mariano, Lalandi talaga!

"Ms. Allegre" Napatingin ako sa harap ng tawagin ako ni Ms. Mariano

Kanina pa siya nagdi-discuss pero kahit isa wala akong naintindihan, pagkapasok pa lang niya sa room kanina ay nakipag palit na agad ako kay Toby ng upoan para sa labas ako makatingin

"Ms. Allegre, Stand up." Pagtawag niya muli sa akin. kahit labag sa loob ko ay tumayo nalang ako.

"Eyes on me."

The Cruel World (Editing/Revising)Where stories live. Discover now