4

6.8K 174 9
                                    

LUNA

Pagkapasok ko palang sa cafeteria ay bumungad sakin ang mga bulongan nang mga dakilang chismosa.

Palibhasa hindi sila yung nasampal e.

Padabog akong umupo sa upoan ko at sinamaan nang tingin ang mga kaibigan kong mukhang manyakis kakangisi.

"Crush mo si prof mariano noh?" dapat talaga hindi nako bumalik dito e

"Kilabutan ka nga Chen. nasampal na nga ako ganyan pa kayo." Inis kong singhal sa kanila

Imbes na tanongin kung okay paba yung maganda kong mukha e. mga wala talagang silbi

"Sino ba kasing nagsabi sayong makialam ka?" Chen

"Hindi ako na inform na may pagka pakialamera ka rin pala luna." Rachel

"Wag niyo nang asarin pulang pula na nga mukha niya e. pero deserve naman" Seven

"Pakialamera award goes to luna Allegre" Toby

Napapikit ako ng mariin dahil sa sunod sunod nilang pang aasar.

Lord pakihabaan po ang pasensya ko kahit ngayong araw lang. baka hindi ko sila matansya kapag naubos pasensya ko.

"Hoy saan ka nanaman pupunta?" Tanong ni Rachel nang tumayo ako.

"Kong saan wala kayo." Pairap kong sabi at lumabas na nang cafeteria.

Sana nalang talaga panaginip to lahat. sunod sunod na mga nagagawa kong kahihiyan ngayon.

_____

"That's all for today. good bye class" tanging yan lang ang naintindihan ko sa buong discussion.

Yung utak ko parang may pakpak at palipad lipad nalang.

"Hoy tanga. balak mo bang matulog dito?" hampas ni Rachel sa kamay ko.

"Aray wag ka ngang manghampas." Inis kong sabi sa kanya at sumunod sa kanila palabas.

Ramdam kona yung gutom. wala pa pala akong kain mula kanina. nakilala ko lang si miss mariano sunod sunod na kahihiyan nangyare sakin

"Ang OA mo teh ang hina lang ng hampas ko sayo." Rachel

"Sinira mo raw kasi yung maganda niyang imagination with prof mariano." gusto ko nalang manaksak ngayon ng kaibigan.

"Trip niyo talaga ako noh? sabihin niyo nalang kasi na naiinggit kayo sa ganda ko." may ngiti sa labing sabi ko sa kanila

Bigla naman nag action si Chen na tinatangay nang hangin at talagang humawak pa kay Seven.

"Help ang lakas ng hangin grabe!" Palibhasa kasi wala silang laban sa ganda ko e.

"Ganyan ako kaganda kaya tinatangay kana ng hangin" Akala nila papatalo ako sa pang aasar nila

"Guys mauna nako sainyo. baka tangayin din ako ng hangin e" Mapang asar na sabi ni Toby

Hahampasin kona sana siya kaso kumaripas na ito nang takbo at winawagway pa ang kamay niya

"Hoy seven sabay ako sayo. sira sasakyan ko e" pagpapacute ni Chen kay Seven

"Oo na. wag kana magpacute. nagmumukha ka lang matanda" parang nasusukang sabi ni Seven kay Chen.

Napatawa nalang kami ni Rachel

"Una na rin ako sainyo guys, anjan na sundo ko. wag niyo na isabay yan si luna makakauwi naman yan mag-isa" napairap nalang ako

Iniisip ko rin ngayon saan ako sasakay. mukhang nakauwi na rin si ate dahil wala rito ang sasakyan niya

Hindi naman ako papuntahan nang driver ni daddy kasi ang alam nila may sasakyan ako. ang hindi nila alam namamahinga na kotse ko

The Cruel World (Editing/Revising)Where stories live. Discover now