Chapter 5: meet Julian Trono

1.5K 74 14
                                    

Miguel's POV:

Hindi kami nakapag usap kagabi ni Bianca, sobra talaga akong nagtatampo sakanya nun. Pero ngayon, hindi ko na talaga siya matiis. Ako na lang mismo ang pupunta sakanya.

Maaga akong gumising pero wala kaming pasok. Pupunta ako kila Bianca para magsorry dahil sa pagsusungit ko kahapon. Agad akong pumunta sakanila, dahil magkalapit lang naman ang Village namin. Pinapasok ako ng guard at ng manang nila. Tinanong ko kung nasan si Bianca pero tulog pa daw siya, kaya dumiretcho na ako sa kwarto niya.

Kumatok ako pero walang nagsalita. Kaya naman pumasok na ako sa kwarto niya ng walang pasabi!
Mahimbing siyang natutulog, may hawak siyang unan na nakapatong ang isang paa niya. Katulad ng dati, naka sando lang siya at maikling short. Siguro nga ganto talaga siya kapag matutulog! Hahahaha pero wag kayong malisyoso, may respeto ako sa girlfriend ko.
Tinitigan ko lang siya ng mabuti, gusto kong matunaw sa nakakabighaning kagandahan niya ngayon:D "Bianca? Ms. Myti? Gising naa" bulong ko sakanya. Tumabi na ako sa pagtulog niya, yung siko ko ay nakapatong sa unan at ang ulo ko ay nakasandal sa kamay ko. Nakatitig parin ako sakanya at nakangiti!
Maya maya ay bigla siyang napagalaw at unti unting dumilat ang mga mata niya "Goodmorning!" Sabi ko sakanya at ngumiti ako. Nanglaki naman ang mata niya at napatayo sa gulat, nagtakip na naman siya ng napakalaking teddy bear sa katawan niya. Dahil nga nakasando lang siya. "Ka-kanina kapa dito? A-anong ginagawa mo dito?" Pagtatakang tanong niya sakin. Tumayo naden ako at sabing "tinititigan kita habang natutulog:)" tapos nginitian ko siya "tsaka isa pa. Bat kaba naiilang sakin kapag nakasando ka lang? Ok lang naman sakin ah:D hahahaha" asar ko sakanya sabay tawa
"Anung nakakatawa? Nangangasar kaba?!" Sigaw niya sakin, lumapit siya sa aparador niya at kumuha agad ng jacket saka niya sinuot "hahaha oh ayan, ok kana:)" sabi ko sakanya "a-anu ba kaseng ginagawa mo dito, ha?" Tanong niya sakin.
Unti unti akong lumapit sakanya at hinawakan ko ang isang kamay niya "pasensiya na sa nangyare kagabi!" Kumunot naman ang noo niya dahil sa pagtataka "Sorry kung masyado akong matampuhin kagabi. Sorry kung nagseselos ako dun sa artista na yun. Diko lang talaga maiwasan eh" saka ako yumuko. Ngumisi naman siya at hinawakan niya ang isang kamay ko, "bat ka nagso-sorry? Ako dapat ang magsorry sayo. Alam ko namang may karapatan kang magselos eh, kaya dapat diko hinayaang mangyare yun. Im sorry Myti" saka niya ako niyakap, at niyakap ko den siya.

"Oy! Ang sweet niyo naman!" Sigaw samin ni Jarold. Napahiwalay naman kame sa pagkayakap "Tama na nga yan! Nilalanggam na kayo oh!" Sabat naman ni Mico "kaya nga! Tara Miguel, laro tayo Tekken" yaya sakin ni Bryan

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon