Chapter 39: Julian came

976 47 16
                                    

Barbie's POV:

"3..2..and.. ACTION!"

"At bakit ka pa bumalik? Ano na naman bang kailangan mo?"

"Ikaw! Ikaw ang kailangan ko"

Saka niya hinawakan ang kamay ko.

"Ako? Haha stop being like that! Hanggang ngayon paren ba immatured ka pa ren?! Josh iniwan mo ko. Iniwan moko kung kailang kailangan na kailangan kita!"

Pumiglas ako sa pagkahawak niya sa wrist ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa iyak ako. Wala to sa script! Ano bang nangyayare sakin?

"Let me explain first. Bambi ikaw paren naman eh. Ikaw lang at walang iba. Pinilit lang ako nina mama na pumuntang Australia. Para ipagpatuloy ko ang pag aaral ko. Please maniwala ka sakin Bambi. Im sorry"

"Sorry? Sorry na lang ha? *sob* akala mo ganun na lang kadali yun? For how many years, nagmuka akong tanga kaka antay sayo! *sob* tapos sorry lang? Im sorry Josh. Move on na ko sayo! Tapos na tayo. Hindi ko na kailangan ng closure dahil matagal na kitang kinalimutan"

Nakalagay sa script na aalis ako bigla. Kaya umalis ako, pero hinawakan ni Joshua yung kamay ko at biglang niyakap. Teka, wala to sa script. Walang yakap dapat ang magaganap.

"Josh.. W-wala to s--"

Bulong ko sakanya habang nakayakap siya sakin.

"Shh.. Im sorry.. Im sorry Bambi. Please forgive me. I still Love you. I love you Barang"

Mahina lang ang pagkasabi niya sa huling pangungusap. At hindi narinig yun nina direk

"CUT!! Very good! Congratulations Joshua, hindi paren nagbabago ang acting skills mo. And Barbie, wow! Just wow! Wala sa script na kailangan mong umiyak pero, you did great. Bumagay sa plot. Congrats every one!"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon