Chapter 59: Don't trust him!

553 16 9
                                    

Bianca's POV

Nagising na lang dahil sa sikat ng araw. Pero dahil antok na antok pa ako, pinikit ko ulit yung mga mata ko para makatulog ulit. Wala naman kasi akong sched this morning kaya okay lang kahit late ako magising. Pero shems, napaka malas nga naman. Istorbo yung kumakatok sa pintuan. Hindi ko na lang ito pinansin at natulog muna ulit.

Pero maya-maya ay tumunog ang phone ko. Hindi ko na binasa ang nasa screen at agad na lang itong sinagot

"Hello?"

[Good morning Bianca! Andito ako sa labas ng unit mo]

Hala sh*t! Siya pala yung kanina pang kumakatok. Nakakahiya naman jusko. Tumayo na agad ako sa kama at nag toothbrush at nag hilamos. Saka na ako bumaba at pinagbuksan siya ng pinto.

"Akala ko hindi muna ko pagbubuksan ng pinto eh"

"Ay hehe, hindi naman. Good morning! Pasok ka"

Pinapasok ko na nga siya sa unit ko. Pinalibot naman niya ang kanyang tingin sa paligid. Gandang ganda ata sa furniture ko.

"Anong naisip ng tagapagmana ng Guerrera Company para dalawin ako ngayon?"

Oo si Nick to, siya yung anak ng ka business partners din nina Papa. Actually nami-meet ko siya sa office. Lagi niya kasi akong dinadalaw do'n. Hindi ko naman maipagkakaila na may gusto parin siya sa'kin. Kaya nga naiinis lalo si Miguel sakanya eh.

"Nalaman ko kasing wala kang sched ngayon sa office, kaya naisipan kong dalawin ka"

Ay jusko, ayun lang pala. Akala ko kung ano nang paper works ang ibibigay sa'kin. Hays, istorbo naman 'to. Inaantok pa kaya ako. Nakita niya pa tuloy akong humikab. Nakakahiya! Nakapan-tulog pa naman ako.

"I think you're still sleepy huh,"

"Uhm.. Medyo!"

Hindi na ako magsisinungaling, eh sa talagang inaantok pa talaga ako eh.

"Yeah I know, halata nga sa'yo eh"

At talagang tinawanan pa 'ko. Ayos tong lalake na 'to. Porket matangkad siya, wag siyang ano dyan!

"ALAM MO NAMAN PALA EH. BAKIT NANG IISTORBO KA PA?"

Napatingin kami pareho sa bagong dating. Sheyt, nangangamoy world war na naman. Andito si Miguel!

"Miguel, andito ka pala!"

Hindi siya makatingin sa'kin. Kasi hindi umaalis yung tingin niya kay Nick. Kung nakakamatay lang ang titig niya, panigurado nakalibing na to si Nick. Pero joke lang 'yon syempre.

"I'm just visiting Bianca. May masama ba do'n?"

"Oo! Alam mo naman ang aga pa para mang istorbo ka di'ba? Ano bang kailangan mo sa BIANCA KO?"

Ayan na naman siya sa 'Bianca ko'na yan. Hindi ko na naman maiwasan kiligin. Juicecolored. Eeeh! Ang corny niya kasi eh! Enebe

"Wala naman. Gusto ko la---"

"Wala naman pala. Kung gano'n makakaalis ka na!"

Binuksan niya ng maayos yung pinto at inaantay niyang umalis si Nick. Wala naman akong magawa para pigilan siya. Ganyan naman talaga sila lagi. Pag nagkikitaan kaming tatlo, lagi niya akong pinapalayo kay Nick o di kaya pinapalayo niya sa'kin si Nick. Mukhang mabait naman si Nick eh, ewan ko ba dito kay Miguel ba't ang sungit niya do'n.

"Next time labas naman tayo, yung wala nang asungot! Bye Bianca"

Atsaka siya nakipagbeso sa'kin. Lalong sumama 'yung tingin niya. Bago pa lumabas si Nick ay nagkasamaan sila ng tingin ni Miguel. Nakakatakot talaga sila makitang pareho kapag magkasama sila. Kulang na lang magsapakan na sila eh.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon