Epilogue

600 22 8
                                    

Bianca's POV

Bukas na agad ang balik ko sa L.A. Balak ko pa naman sana mag stay dito para makapag bakasyon man lang. Pero wala eh, istorbo ang client eh. Masyadong paimport, nasira tuloy sched ko.

Yes, nandito na ulit ako sa condo unit ko. Grabe, namiss ko yung kama ko dito, namiss ko yung mga stuff toy ko dito. Ofcourse pati si Ilong. Hindi ko talaga siya sinama sa L.A., lalo lang kasi ako makakaramdam ng lungkot at pangungulila sakanya. Kaya pinila kong iwan na lang siya dito.

"Hello Ilong, missed me?"

Atsaka ko niyakap yung napakalambot na stuff toy na ito. Mabuti na lang hindi siya masyadong madumi. Pinapalinis ko kasi ito kay manang. Every week pinapa bisita ko ito para magpa house cleaning. Tapos minsan, tinatambayan daw ito nila Eunice. Kaya kahit wala ako dito, hindi naman kawawa ang unit ko.

Umikot lang ako sa unit ko at isa isang tinignan ang mga picture frames na nandito. Kompleto parin ang mga gamit ko dito, walang labis, siya lang ang kulang. K drama ko na naman.

Nagluto ako para sa lunch ko. Maya maya kasi ay pupunta ako sa HS Hotel. Ipapakilala na kasi ako sa mga ka share holders ni Papa. Hindi lang pala sa ka share holders niya, pati sa lahat ng ka-business partners niya at mga clients. And guess what, handa na sina Papa para ipamana sa'kin ang lahat. It means, ilang oras na lang ay magiging Miss CEO na ako ng Umali's Company. Actually, hindi lang ako. Pati narin ang Man's Company at Tanfelix' Company ay handa nang ipakilala ang bagong tagapagmana. Alam ko naman na si Sabrina na ang bagong Miss CEO ng Man's Company. Pero ang Tanfelix, wala parin akong Idea. Wala na kasi akong balita sa kumpanya nila simula noong lumipat na ako sa L.A.

Nakahanda na ang gown ko para mamaya. Inimbita ko din ang mga kaibigan namin ni Sabrina para sa Big event mamaya. Syempre hindi sila mawawala no.

Actually, lately ko lang nalaman na may magaganap pa lang Big event. Ito naman kasi si Papa, saktong pagkauwi ko lang dito sa Pilipinas ay sinabihan niya na agad ako na ihanda ko na daw ang sarili ko. Akala ko kung ano yung ihahanda ko para sa sarili ko, yun pala ipapasa niya na sa'kin yung kumpanya. Kung tinatanong niyo kung ano ang naging reaksyon ko? Speechless. Bukod sa ineexpect ko naman talagang mangyayare ito, eh wala naman na akong magagawa para ipapostponed yun. Sila na kasi ang nagdesisyon. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, tuloy na ito. Sabagay, gusto ko din naman ito. Pero hindi mo maaalis sakin ang kaba ko ngayon.

Dun pala sa nangyare sa'kin nung umuwi ako dito. Dinalaw ko si Miguel, at pagkatapos ay nawalan na ako ng malay. Pagkagising ko na lang, nasa unit na ako. Nag alala nga ang mga kaibigan ko eh. Sabi nila sila daw ang nagdala sa'kin sa unit. Hindi ko parin maalis sa isip ko yung nangyare bago ako mawalan ng malay. Grabe na talaga ang hallucinations ko. Nasa harap ko na daw si Miguel, at improving ah. Kinausap niya 'ko, as in nag 'iloveyoutoo' pa siya sa'kin. Sa tuwing iniisip ko yun, kinikilig ako. Kahit pala wala na siya, ako parin ang mahal niya.

Papunta na kami ni Daniel sa hotel kung saan gaganapin yung Big event. Sa totoo lang kinakabahan ako, invited lahat ang mga sikat at mayayaman na tao. Mas okay sana kung isa lang ako sa mga guest pero hindi eh. Isa ako sa magiging center of attraction.

Black and Red ang motif ng event. Pero ang pamilyang Man, Umali at Tanfelix lang ang naka red. The rest ay naka black na sila. Kaya heto ako, nakasuot ng fitted gown with glittering na pa cross ang design sa likod. Ako lang nag ayos sa sarili ko. Medyo messy yung dating ng buhok ko pero bagay lang ito para sa event na 'to.

Ilang minuto din ay nakarating na kami. Sa likod kami pinadaan dahil hindi daw kami dadaan entrance, bawal pa daw kasi kami makita ng mga guests eh. Kaya pagpasok ko sa loob, si Sabrina ang sumalubong sa'kin. Kitang kita tuloy ang pagkaputi niya dahil sa suot ng Red long dress with a touch of black rose. Ang fierce niya tuloy tignan.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon