Chapter 57: It's a Trap!

670 26 7
                                    

Bianca's POV

I don't know what to say. I don't know what to do. Basta ang alam ko, masaya ako. Masaya ako dahil kasama ko siya ngayon. Is this what you called a crime? Kung ganoon ay payag na akong ikulong niyo. Mahirap pigilan ang feelings. Feeling ko ngayon ko na lang ulit naramdaman ang totoong kahulugan ng saya. Aminado akong si Miguel lang ang dahilan nito. Oh jusko, hinay hinay lang Bianx. Baka lamunin ka na ng pag ibig

"What's your next plan?"

He asked me.

"Huh?"

Hindi ako lutang dahil sa kanya pero hindi ko lang talaga naintindihan ang tanong niya sa akin.

"What I mean is, anong plano mong gawin after mong kumain?"

Actually wala akong plano. Kasama lang kita solve na ako. Shhh, scratch that!

"Going back to my room. Saka na ko magsi-swimming kapag wala na si Miguel... I mean, yung isang Miguel hindi ikaw"

I smiled to him.

"Edi sasamahan kita. Para hindi ka na guluhin ng mokong-- este ng Miguel na 'yon"

Bat hindi ko kayang pigilan ang kilig ko? Kainis ka naman kasi Miguel eh! Hindi tuloy ako komportabe kasama ka.

"No! I can manage. Bakasyon mo 'to di'ba? Baka makaistorbo lang ako sayo kaya okay lang. Iwan mo na ako if you want"

Tapos na kasi siyang kumain. Ako lang tong mabagal kumain. Pabebe pa kasi kumilos Bianx, tatalunin mo ba si pabebe girl?

"Mas mae- enjoy ko nga bakasyon ko kapag ikaw ang kasama ko eh. Tsaka, ano ako hilo? Iiwanan ka basta basta? Hindi no! Hinding hindi kita iiwan katulad ng pag iwan mo sa'kin noon"

Okay na yung banat and sweetlines niya eh. Umepal lang sa huli. Hindi ba maka move on? Kailangan bang ipamukha sa akin na iniwan ko siya? Tss, badtrip

"Aray! Ang sakit ah"

Tumawa siya dahil sa inasal ko. Huhu, his sexy laugh. I miss that!

"Kidding! Baka personalin mo naman?"

"Aba, sino kaya ang namemersonal dito?"

Inunahan ko na siya. Eh siya naman talaga nanguna diyan eh. Ang gulo niya!

"Okay fine. I raised my white flag. Pero Bianca, wala na ba talagang mas babagal pa dyan? Bagalan mo pang kumain, tama 'yan!"

Napatigil tuloy ako sa pag subo ng kanin. Ngayon ay mas lalo ko pang binagalan, akala mo yung slow-mo sa video. Para lalo siyang maasar.

"Ay, very good!"

Then he clapped his hands slowly. Natawa tuloy ako dahil sakanya. Akala niya siya lang mang aasar. Hindi no, uso ang gumanti!

Hinayaan ko na siyang magdaldal diyan at taga kinig na lang ako sakanya. Hiyang hiya naman ako, ang bagal ko daw kasi kumain. Mabuti pa kung choolates to, wala pang isang minuto ubos agad to. Napatigil siya sa kakadaldal pero hinayaan ko na. Marunong pala siyang mapagod eh. Siguro wala na siyang maisip na bagong topic. Good for me!

"Bianca,"

"Hmmm?"

*click*

Tumatak sa mata ko ang flash kaya mariin kong kinusot ang mata ko. Walanjo! Stolen shot at it's finest. How could he do this to me? Ang sarap niyang sapakin!

"MIGUEL!"

Kung nakamamatay lang ang tingin ko, malamang sa alamang naka burol na 'to. Pero imbis na matakot siya sa death glare ko, eh lalo pa siyang tumawa ng tinignan niya ang picture ko.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon