Chapter 65: Missing You

389 10 2
                                    

Bianca's POV

"Myti, please. 'Wag ka na lang umalis!"

Hanggang ngayon pinipilit ko parin siyang huwag nang umalis kahit mamayang hapon na 'yung alis niya. Hays. Ano ba naman 'to! Ang pangit kasi nang panaginip ko kagabi eh.

"Kung tungkol 'to sa paniginip mo. Please, don't take it serious. And don't be scared, hindi naman magiging totoo 'yun eh"

Explain niya habang nagluluto siya ng breakfast namin. Kagabi dito na siya natulog, sinabi ko na wag na muna siyang lumipat sa unit niya at dito na lang magpalipas ng gabi. Natatakot parin ako sa napaginipan ko. Sa lahat pa ng pwedeng mapaginipan ko, bakit ayun pa? Kinasusuklaman ko nga yung pangyayare na 'yun eh. Pinaalala pa!

"Eh sa natatakot ako eh. Myti naman, please understand me"

Bakit ba hindi siya makahalata, halos lahat kami ayaw namin siyang paalisin. Pero bakit siya gusto niya parin umalis? Hays, nakakainis ka talaga!

"Myti, please understand me too. Kailangan kong umalis, one week lang naman ako do'n eh. And I promise, I stay keep in touched. Mag video call na lang tayo huh?"

At sa huli, hindi parin ako nanalo. Talagang aalis na nga siya. MAMAYA NA!

Hindi ko talaga alam pero dahil sa bad dream na 'yun. Lalo akong kinakabahan. Pakiramdam ko may mangyayareng masama kay Miguel na 'wag naman sana. Huhu Lord, please take care of my Myti! Hindi ko po kayang mawala siya sa'kin.

"Bago tayo dumeretcho sa GMA, let us go first to the office. May ipapakita lang ako sa'yo"

"Okay!"

Kinontact kasi kami ng mga handler namin na may meeting daw kami. Siguro may new project kami. That's good news! Miss ko nang makatrabaho ang Myti ko.

Pagkatapos naming mag breakfast, pinauwi ko na siya sa unit niya. As if namang napakalayo ng unit niya. Naghanda na kami para sa meeting namin sa mga handlers namin. Pero sabi niya dumiretcho na muna daw kami sa office niya. Wala akong idea kung ano ipapakita niya, pero mukhang goodnews eh.

Mahigit isang oras din ay ayos na kami. Nag doorbell siya at alam kong siya 'yun. Wala lang, pakiramdam ko lang siya 'yun. At pagbukas ko nga no'n, siya nga iyon.

"Ready to go, Myti?"

Sa tanong niya palang, parang may binabalak eh. Kinakabahan ako. Bakit ganito yung pakiramdam ko?

"Yes! Let's go na"

Humawak na siya sa kamay ko at nilock ko ang unit ko. Saka na kami umalis. Napaka goodvibes niya, at hindi ko alam kung bakit. Epekto ba 'to ng tocino na breakfast naming dalawa? Imposible! Edi sana pati ako goodvibes din ngayon. Pero hindi eh. Hindi ko kayang maging goodvibes kasi aalis na siya.

OA na kung OA. Oo, isang linggo lang 'yun. Oo, apat na taon kaming nagkahiwalay dati, at ngayong isang linggo na maghihiwalay kami ay parang hindi ko kaya. Pakiramdam ko mauulit ulit yung apat na taong paghihiwalay namin.

What a weird feeling, bakit nagkakaganto ako? Tell me, wala naman mangyayareng masama kay Miguel di'ba? Magiging okay do'n si Myti, di'ba? Fudge! Iba talaga ang kutob ko.

"What's bothering you, my Bianca?"

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Pagkatapos kasi namin lumabas sa hotel hanggang sa dito sa sasakyan niya, ang tahimik ko parin. Nahalata na niya nga ako.

"Nothing, my Miguel"

Pambawe ko sa tinawag niya sa'kin. Akala niya siya lang ah!

"Com'mon, you're not good in lying. Tell me Myti!"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon