Chapter 60: New Neighbor

431 14 4
                                    

Miguel's POV

"Oh? Anong naisip mo at pumasok ka parin? Akala ko ba gusto mo magpahinga ngayon?"

Gusto ko talaga muna magpahinga. Simula kasi mamayang hapon icecelebrate ko na ang birthday ko. Oo, isang linggo kasi birthday ko kahit sa Thursday pa talaga ang birthday ko. Ganun naman talaga kapag artista ka. Kung sa'n sa'n ko kasi icecelebrate ang birthday mo. Katulad ng charity, sa GMA Network, kasama ang mga fans, Sa bar kasama ang mga kaibigan, at syempre sa bahay. Pero sa araw mismo nang birthday ko, gusto kong makasama ang nag iisang mahal ko, si Bianca lang naman 'yun.

"Si Papa eh, pinapa attend ako sa meeting. Isasama niya ako sa business trip niya"

"Wow! Really? So ibig sabihin makakasama din ako?"

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Ahm, excuse me? Kailangan mo nang assistant dun, so for sure kasama ako!"

Sa lahat talaga ng feelingera, siya na talaga ang reyna. Kung hindi lang talaga to kakambal ni Aya, nako!

"Libre lang mangarap, Hanna!"

I said it in a sarcastic way. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Kaya naman napatawa ako sakanya.

"Tuwang tuwa ka talaga pag inaasar mo ako eh no!"

"Pa'no ba yan? Talo ka na naman!"

Gustong gusto ko talaga siya bwisitin. Ewan ko ba, buraot kasi ang mukha niya kapag naiinis na siya sa'kin. Pero dahil ako ang boss niya, wala siyang palag sa'kin. Napaka bait ko talaga!

"Alam mo, you are so nice talaga! Sasabihin ko talaga 'to kay Bianca"

"Oh ano? Sumbungera ka na naman dyan!"

"Ay hindi. Hindi ko na lang pala susundin ang gusto mo. Gusto mong ipadesign sa'kin ang office mo di'ba? Pwes, bahala ka na sa buhay mo dyan!"

Padabog niyang ipinatong sa table ko yung mga folders. Atsaka siya lumabas ng office ko, pero bago pa nangyare 'yun. Pinigilan ko na agad siya.

"Wait, Ito naman si Hanna, hindi ka mabiro!"

Tss, oo na hindi ko naman talaga siya matitiis. Kahit siya yung laging talo sa'min, ako parin ang kawawa. May favor kasi akong hiniling sakanya at alam kong interior designer siya before. Kaya sakanya ako nagtiwala na baguhin ang design ng office ko.

"Bait-baitan ka na naman dyan, sus!"

"Mabait naman talaga ako ah! Basta yung favor ko ah"

"Ayaw!"

Napaka RT naman nito. Magkasalungat talaga sila ng kakambal niya.

"Dali na!"

"Tss, oo na sige na! Nako, kung hindi ka lang talaga mahal ng Bal ko"

Sinamaan niya na naman ako ng tingin. Ngumiti na lang ako dahil naka simangot na naman siya. Sana lagi na lang siya sumimangot, lol!

"Wala eh, gwapo kasi ako. Sorry ah!"

"Wow sir! Sinapian ka na naman ng kahanginan mo. Balak mo bang talunin ang lakas ng hangin dito sa office?"

Ngayon naman siya ang sarcastic sa'kin. Hmp, magpigil ka ulit Migs! Pagdating talaga dito ang bilis ko mainis eh. Effective talaga ang pangangasar niya sa'kin.

"Umalis ka na nga! Mamaya may pupuntahan pa tayong meeting eh"

Pagkaalis ni Hanna, kinuha ko naman yung phone ko sa bulsa ng pants ko at tinawagan si Bianca. Mukhang busy yata siya, wala pa kasi siyang reply sa mga messages ko. I try to call her naman nung nasa byahe parin ako pero hindi parin niya sinasagot. Puntahan ko na kaya sa condo niya? Pwede ko naman takasan yung meeting eh. Yeah right, tatakasan ko na lang. Minsan lang naman ako umabsent sa meeting eh.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon