Chapter 41: 18th Birthday!

810 44 8
                                    

Bianca's POV:

1 hour na lang.. 1 hour na lang at magsisimula na ang most awaited birthday party ko. Nasa kwarto lang ako, at tapos ng make up-an. At yung gown ko, naka ready na. Susuotin ko na siya bago pa maayusan ang buhok ko.

Pina simple ko lang yung gown ko. Lime green ang color. With the touch of White crystal. Ayoko ng masyadong bongga, baka hindi na ko makapaglikot at makagalaw masyado. Black and White lang ang motif ng party ko. White for girls, Black for boys.

Make up artists, Stylists, Tita Jenny, and si Mom lang ang nandito sa kwarto ko. Bawal pa ang ibang guest. Lahat sila nandon sa ground floor, kung san gaganapin ang party ko. Nagtext na sina Eunice at ang iba pang friends ko, present na sila sa baba. Nag text na din sina Gabbi, on the way na sila together with Ruru, Bea, Jake, Louise, Andre, Kristopher, and Joyce. Si Barbie ininvite ko siya, but I dont know kung pupunta siya. Simula kase nung natapos ang teleserye namin hindi na siya nagparamdam. Alam ko namang may issue parin kaming dalawa, but i just ignore it. Tagal na kaya nun!

Si Miguel? Ewan ko ba dun! Hindi niya ko tinetext, or tinatawagan man lang. Di ko nga alam kung pupunta siya sa debut ko. Pero alam ko namang pupunta yun. Lagot siya sakin pag hindi siya pumunta. Huling kita kaya namin is yung nagbike kami. After nun waley na, diko na alam anyare dun. Tss! Masasapak ko talaga siya kapag isasayaw niya nako mamaya. Hmmp!

*knock* *knock*

Suot ko na yung gown ko, at bino-blower na ang buhok ko habang nakaharap sa salamin. Si tita Jenny na ang bumukas ng pinto, at may binigay sakanya ng malaking box. As in NAPAKA LAKING BOX!! Sing laki ni tita Jenny yung box.

"Bianca, may nag padala sayo oh. Birthday gift ata"

Nag excuse muna ko sa hairstylist ko at pumunta dun kay tita Jenny. Grabe ang laki talaga, white with the touch of pink yung color ng box. Grabe, ang laki talaga! Tinanggal ko na yung pink ribbon. At sakto nun, isa isa nang bumaba ang bawat side parts ng box. And after that, CHADAN! Bumungad lang naman sakin ang napaka fluppy na Teddy Bear. White yun tapos black yung ribbon sa bandang neck ng bear. Agad ko yun niyakap. Sheez, alam ko tong pabango na to ah. Hmm! Pabango ko to eh, hahaha amoy Bianca tuloy yung teddy bear. Tapos binasa ko yung yellow note na nakadikit sa takip ng Box na pinatong ko sa couch. 'Happy Birthday, The Most Beautiful Lady Ive ever seen. -MM '
Aha! Kilala ko na to. MM for Mr. Myti. Sabi ko na nga ba eh, kay Miguel to galing. Siya lang kaya nakakaalam ng secret perfume ko. Hahaha loko to si Miguel, pinapakilig ako ng wala sa oras.

*

*

*

*

*

Naka settle down na ang lahat, a couple of minutes bababa na ko sa ground floor. Sabi nung nag oorganize kompleto daw ang attendance. Pero maliban kay Barbie. Well tanggap ko na yun.

"Ms. Bianca, are you ready. Maya maya iaanounce kana ni mr. MC"

Woooh! Here we go, kailangan ko ng bumaba. Napaharap ulit ako sa salamin. Ok naman na siguro ang itchura ko. Yung gown fitted. Saktong sakto sakin. Ang hairstyle ko ayun, maganda naman. Curly paren naman.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon