Chapter 68: See you soonest

314 12 2
                                    

Bianca's POV

Isang linggo nang nakararaan. Isang linggo akong naka stay dito sa unit. Madalas nandito lang ako sa kwarto. Nakahiga lang habang nakatitig sa picture frame na nakapatong sa gilid ng kama ko.

Itong picture na ito, ito yung time na naging komportable na ako sakanya. Mag fiancé pa kami nito, highschool days pa lang ito. At kitang kita mo samin ang totoong saya. Kahit late ko na narealize na mahal ko na siya, na sana pala noon pa lang tinanggap ko na siya bilang fiancé ko. Hindi ko pinagsisisihan yun, kasi nagmahalan din naman kami eh. Nagmahalan kami noon, pero ngayon ako na lang ang nagmamahal. Wala na siya eh.

Kinuha ko yung stuff toy na binigay pa sa'kin ni Miguel. Si Ilong ang karamay ko sa tuwing naaalala ko siya. Naaawa na nga ako kay Ilong eh, kasi basang basa na siya dahil sa mga luha kong hindi maubos ubos. Yakap yakap ko lang si Ilong, pakiramdam ko yakap yakap ko na din siya.

"Ilong, namimiss ko na ang amo mo!"

Sabi ko habang may tumutulong luha sa pisngi ko.

"Sobrang miss na miss na miss! Nakakabaliw pala kapag sobra mo siyang namimiss no?"

Patuloy ko parin kinakausap si Ilong kahit nagmumukha na akong baliw dito. Ewan ko na lang talaga pag nagsalita pabalik sa'kin 'to si Ilong.

"Ilong, gusto ko na siya bumalik. Isang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Mahirap. Nahihirapan ako"

Sabi ko habang nagpapaunahang bumagsak ang mga luha galing sa mata ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

"The fact na talagang wala na siya, mas lalo lang akong nasasaktan. Lalo lang ako nahihirapan at mas lalo akong nababaliw kakaantay sakanya kahit alam ko namang hindi na siya babalik pa"

Napangiti ako habang umiiyak. Confirm! Baliw na nga talaga ako

"Why love is so unfair? We're inlove to each other. Bakit hindi na lang pagbigyan na maging happy ending kami?"

Napaisip isip ko, malakas parin ba kami sa Universe? Parang hindi na.

"Deserve ko naman ang happy ending, Ilong di'ba? Deserve ko namang makasama habang buhay ang nag iisang mahal ko. Si Miguel lang naman 'yun, ano bang mahirap do'n?"

They said, every people wants to have a Happy Ending. Every people deserve a happily ever after. But how about me? It's all ruined, hinding hindi ko na talaga makakamit ang happy ending ko.

Napapunas ako bigla ng luha ko nang makita kong tumatawag ang handler ko.

"Hello po tita?"

Napa sniff pa 'ko nun kaya for sure halata niyang nanggaling ako sa pag iyak.

["I know you're crying, bebe doll. Isang linggo ka nang ganyan. I thought sapat na 'yun para makabangon ka ulit"]

Pinilit kong hindi umiyak. Nakakahiya na kay tita, lagi na lang ako umiiyak.

["Look, I know mahirap tanggapin na wala na si Miguel. Bebe doll, hindi habang buhay kailangan mong magluksa dahil sa pagkawala niya. You need to move on!"]

I need to move on. Madaling sabihin pero ang hirap gawin.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni tita.

"Ano po ba kailangan niyo tita? May meeting po ba tayo?"

She gaves me a break, so maybe it's time to go back to work. Sana nga lang kayanin ko.

["Yes Bebe doll! We need you. Kailangan ulit natin pag usapan ang movie mo specially your career"]

I don't get her. Pero mas pinili ko na lang na pumunta sa meeting.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon