Special Chapter 1

737 24 41
                                    

Ito yung time na nasa Business trip sina Miguel at Hanna. Check niyo sa Chapter 66: 'Breaking News' para hindi kayo malito

*****

Miguel's POV

Sa wakas, nakipag negotiate na sa'kin tong mga kumag na 'to. Kailangan pa nila ako galitin. Dapat kahapon pa ang uwi ko papuntang Pilipinas eh. Pucha, namimiss ko na si Bianca. Lagot talaga ako do'n pag uwi ko. Puro sermon aabutin ko dun.

"Kamusta Mister Miguel? Umagree na sila?"

Bumungad na tanong ni Hanna sa'kin saktong paglabas ko ng kwarto.

"Oo naman. Ako pa ba? I'm irresistible"

Then I wink. Inaasar ko lang talaga siya. Ang stressed niya ngayon eh. Mukhang stressed pa siya kaysa sa'kin.

"Hindi nakakatuwa ah. Natakot ako sa'yo kanina"

First time niya lang kasi ako nakita magalit. Hindi naman talaga ako galit, medyo tumaas lang ang boses ko. Yun lang yon.

"Joke lang eh. Kamusta si Bianca? Tumawag na ba ulit?"

"Tatawagan ko pa lang siya. Sabi ko kasi sakanya ako na ang tatawag kapag okay na ang lahat"

"Ganun ba. Mauna ka na umuwi. Ako na din bahala tumawag kay Bianca"

"Huh? Eh pa'no ka? Ba't papaunahin mo pa 'ko umuwi?"

"May ipapautos pa kasi ako sa'yo eh. Kailangan ko na yung right after ako makauwi. Don't worry uuwi din ako tomorrow morning! Baka the day after na din ako makauwi nun,"

Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at hinanda na niya yung passport niya pauwi. Pinadala ko na din sakanya yung mga pasalubong ko para sa mga magagaling namin kaibigan. Napabili pa ako ng wala sa oras ng dalawang pares ng sapatos para sa dalawa. Pero hayaan mo na, minsan lang naman ako maging galante sakanila eh.

Pagkauwi ko sa tinutuluyan ko dito. Tinawagan ko na agad si Bianca. For sure gabi na dun sakanila. Sana nga lang gising pa siya. Sigurado na din akong nakauwi na yun si Hanna sa Pilipinas. Kahapon pa naman siya umalis eh.

Dinial ko na agad ang number ni Bianca habang binagsak ko ang sarili ko sa kama. Wala pa kasi akong maayos na tulog.

["Hello? Hello Myti? Kamusta? Okay ka na ba? Sumagot ka! Nung isang araw pa ako nag aalala sayo"]

Boom! Sabi na lagot ako sa commander ko eh.

"Calm down, Myti. I'm fine"

Gusto kong matawa dahil sa nag aalala siya sa'kin ngayon. Pero mas gusto ko munang matakot sakanya, sermon talaga aabutin ko nito pag uwi ko eh.

["Nakakainis ka! Alam mo ba 'yun? Pinag alala mo 'ko ng sobra"]

Kasalanan talaga ng mga kumag na yun eh.

"I'm sorry. Kung nakipag negotiate lang sa'kin ng maayos tong mga kumag na 'to, edi sana hindi na mangyayare ito"

["Eh pa'no na yan? Aren't they agreed with you?"]

"Nah-ah! Walang humihindi sa isang katulad ko, ikaw nga napasagot ko ng Oo eh, sila pa kaya?"

I heard her chuckled. Iniiba ko lang talaga yung mood namin. Halata kasi sa boses niya na sobra siyang nag aalala sa'kin.

["So you mean you're going home na?"]

"Ofcourse! Hindi ko na kayang tiisin pa na lumayo sa Myti ko. Later I'll be flying back at Philippines. For sure dyan sainyo tomorrow morning ako makakarating"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon