Chapter 38: Surprise Guest

1.1K 57 29
                                    

*to be continued*

Bianca's POV

Nakauwi na ko galing school. Hindi ko na nakasama umuwi sina Eunice. Nauna naden daw kase sila. Kase naman tong si Miggy at Eunice, nag iiwasan. Kaya ayun, pati sina Elmo at Sabrina nadadamay. Pero kung nandun den naman sila hindi ko na sila aantayin. Gusto ko na ngang umuwi diba? Hiyang hiya na kaya ako. Gusto mo pang ikwento ko sayo yung nangyare kanina? Sus! Wag na, nakakahiya nga eh. Basahin mo na lang ulet yung chapter 37!

Natulog muna ko ng mga 2hours. 6pm kase may meeting kami sa handlers namin. Tapos diretcho kami kay Direk. May emergency meeting daw.

Hayy nakakapagod. Partida ang sakit ng ulo ko neto ah. Di ko ba alam? Kanina pa to eh. Pero siguro epekto lang ng may period ako.

Time check, saktong 5pm na. At dinaan ako ni Miguel sa bahay.

"Ano Ms. Cute? Ready kana?"

Tanong niya sakin habang pababa ako ng hagdan.

"Yap! Ready na ko Super Hero. Tara na"

Hinawakan ko na siya sa braso kaso biglang humiwalay siya

"Teka, ok kana ba? May extra ka bang dala dyan? Nako wala akong dalang jacket. Tsaka ayokong bumili ng.. Alam mo na!"

Hahaha loko talaga to. Pinaalala pa sakin

"Ok na ko. And di ko naden kailangan  ng jacket mo. Pero kapag nangyare ulit yun, kailangan mo nakong bilhan sa grocery store"

"Ha? Ano? Ayoko nga!"

Hahaha yung muka pa niya parang gulat na gulat. Ang cute niya tignan!

"Hahaha bakit naman? Di mo ba kayang gawin yun para sakin?"

"Ehh.. Kaya naman. Kaso, nakakahiya eh. Tignan mo. Una, artista ako. Pangalawa, lalake ako. Nakakahiya bumili. At pangatlo, ang gwapo gwapo ko tapos taga bili lang pala ako ng napkin ng fiance ko. Wag ganun!"

Hahahaha sineryoso niya talaga yung sinabi ko. Haha nagbibiro lang naman ako eh.

"Haha, tara na nga. Baka ma late pa tayo eh!"

Hinawakan ko na ulit siya sa braso niya.

"Uyy! Bianca magdala kana. Ayoko talaga bumili nun eh"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon