Chapter 69: New Life

411 16 6
                                    

Bianca's POV

Napadilat ang aking mga mata nang maramdaman kong may nakayakap sa'kin. Kabisado ko ang amoy niya, siya nga tong nakayakap sa'kin.

Teka, dapat nakatalon na 'ko kanina. Pero bakit ganito? May kayakap na 'ko. Hindi kaya...

"Goddammit Biancs, what's out of your mind?! Bakit mo ginawa 'yon?!"

Galit na galit na tanong sa'kin ni Julian habang mahigpit ang yakap niya sa'kin. Agad naman siyang humiwalay nang naramdaman niyang gumalaw ako.

"You are strong Biancs! Hindi sulusyon dyan sa problema mo ang pagpapakamatay"

Umiyak na naman ako. Gusto ko lang naman makasama si Miguel kaya ko ginawa 'yun. Ayoko nang mapalayo pa sakanya, gustong gusto ko na siya makita.

"I'm weak Juls! And I want to see him. Hayaan mo na lang ako"

Pupunta ulit sana ako do'n pero hinarangan niya 'ko.

"No way, Biancs!"

"Yes way!"

Hindi na niya ako pinigilan. Naglakad ulit ako at pumunta ulit do'n. Pero bago pa 'ko makapatong ulit do'n, sinigawan niya 'ko.

"Sige! Maging selfish ka, Biancs!"

Napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Sa tingin mo ba, kapag ginawa mo yan magiging masaya kami? Hindi! Madaming nagmamahal sa'yo, hindi lang si Miguel iyon. Pa'no ang pamilya mo? Pa'no ang mga kaibigan mo? Pa'no ang mga fans na mahal na mahal ka? Pa'no na lang ako? Andito pa 'ko, Biancs. Hindi mo ba napapansin 'yon?"

Lumingon ako sakanya, nakikita kong namumuo na ang mga luha sa mata niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. I know Julian is a strong person, dun ko siya hinahangaan. Pero tama nga sabi nila, everyone has a weakness. Hindi ko akalain na makikita ko si Julian ng ganto.

"Puro ka na lang Miguel. Oo, alam kong mahal mo si Miguel. Pero pa'no naman kaming nagmamahal sa'yo? Ayaw ka naming nahihirapan, Biancs. For Pete's sake, stop this! Huwag mo nang ituloy 'yan!"

Lalo akong napaiyak. Sa sobrang pangungulila ko kay Miguel, hindi ko na napapansin ang mga nakapaligid sa'kin. Lahat sila nag aalala, pero hindi ko yun nakikita. Kasi ang nakatatak lang sa isip ko ay si Miguel, si Miguel na gustong gusto ko nang makita.

"Huwag mo na siyang sundan, andito pa naman ako eh"

Nanghina ako dahil sa sinabi niya. Laging nandyan si Julian para sa'kin. Hindi yata kaya ng konsensya ko kung iiwan ko lang siya basta basta. Napaupo na lang ako bigla at humagulgol ng iyak. Lumapit agad siya sa'kin at niyakap ako.

"I'm sorry! Juls, I'm sorry! Patawarin mo 'ko"

Patuloy lang akong umiiyak sa balikat niya habang hinahagod ang likod ko.

Pagkatapos ng pangyayareng iyon ay nawalan na ako ng malay.

*****

"First of all, congratulations Bianca and Julian. Dahil sa successful na first movie ninyo, any words para sa mga fans niyo na inaabangan ang movie niyo?"

Binigyan ko na lang ng tingin si Julian para siya na lang ang sumagot sa isang reporter.

"Ahm, ofcourse thank you! Thank you so much, sa ilang buwang pag aantay niyo para sa first ever big screen namin ni Bianca. And we really really appreciate all your love and support to us, specially our team JA"

And a few of them screamed, nandito kasi ang fansclub namin. Team JA stands for JuliAnca. Simula nung pinakilala kaming mag loveteam ni Julian bago pa maging BiGuel, nandyan na sila. And we're very happy kasi andyan parin sila para suportahan kami.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon