Chapter 43: Receiving an Email

774 45 17
                                    

A/N: ok Smefiancers, its official. After Debut Party ni Bianca, 3 chapties left. Sa next chap na po ang last. So please Smefiancers, ibuhos niyo na ang lahat ng suporta. Hehez, I'll promise na kahit hindi ito yung ending na inaasam niyo. Alam kong magiging masaya kayo hanggang DULO! WALANG MAWAWALAN NG PAG ASA SMEFIANCERS! NAGBIBIGAY NA PO AKO NG CLUE. SANA NAGE-GETS NIYO KO. HAHAHA

*****

Miguel's POV:

"WHAT?!"

Napatayo na ko dahil sa gulat. Bakit sinasabi nila sakin to ngayon?

"Miguel, ahm.. Naisipan na lang namin ng Papa mo na icancel ang marriage niyo ni Bianca. Dahil we realize na dapat hindi kami pumapasok sa personal mong buhay. Kaya iho hindi na namin itutuloy"

Explain sakin ni mama. Pero bakit ngayon pa? Kung kailang mahal ko na si Bianca. Pero ok lang, girlfriend ko parin naman siya.

"Ok po. I respect your decision. As a matter of fact. Mga bata pa naman talaga kami para umabot agad sa simbahan. Nasabi na po ba nina tito Edward kay Bianca about dito, Pa?"

Napatayo si papa at padabog na naglakad palayo.

"That's why we cancel your marriage! Ayoko ng dumidikit ka kay Bianca! Makipag break kana, utos ko yun!"

Dumiretcho ng umalis si Papa. Halata sa muka niya ang inis at galit. Business problem ba to? Pati kami dinadamay ni Bianca, hindi pwede to!

"What? Hindi pwede Papa!"

Sumigaw na din ako para marinig niya. Pero nakapasok na siya ng private room niya at padabog niyang sinarado ang pinto. Napaharap ako kay mama para magmakaawa kaso naunahan niya na ko.

"This is enough. Your Papa is right. Matulog kana at may pasok ka pa. Ilang araw ka ng absent"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon