Chapter 58: Start of something new

597 19 11
                                    

Bianca's POV

"Miguel,"

Tumila na yung ulan pero rinig ko parin yung patak ng ulan. Mabuti naman at hindi na malakas ang ulan katulad ng kanina, nakakatakot na kasi. Nasa Kubo lang kaya kami. Malay mo liparin kami.

"..hindi ako makatulog"

Kanina pa ako ganto. Almost three am na at wala parin balak pumikit itong mga mata ko at magpahinga na. Samantalang itong katabi ko, feeling ko tulog na yata. Nakakaistorbo lang yata ako kaya tumahimik na din ako. Ewan ko ba at bakit hindi ako makatulog. Bukod sa sobrang lamig dahil sa ulan, ay katabi ko pa siya. Wala namang malisya ito. May isang unan nga na namamagitan sa'min eh. Pero shems, bakit ganto? Hindi ako makatulog.

Wala na akong magawa para makatulog na. Lowbat na ang phone ko. Miski Ipod ko ganun din. Takte yan, mamamatay na yata ako dahil sa pagkabore nito.

Tumayo ako at tinignan ko si Miguel. Mukhang tulog na nga siya. Kanina pa siya tahimik at pakiramdam ko sobrang himbing na ng tulog niya. Nakatalikod siya sakin kaya naman dahan dahan akong tumayo at umupo sa sofa. Nilapit ko ng kaunti yung sofa kay Miguel. Napaka sarap niyang tignan. Ang amo ng mukha, napaka perfect pa. Akala mo isang anghel na nahulog dito sa lupa. Yung mata, kilay niya, ilong, at labi. Ay jusko! Siya na madaming asset. Sa sobrang panggigigil ko sakanya gusto ko nang kurutin yung pisngi niya. Pero napigilan lang ako nang bigla siyang nagsalita.

"Kamusta naman ang kagwapuhan ko?"

"Sh*t!"

Agad akong tumayo at inayos ang sofa na inupuan ko. Hindi na ulit ako tumingin kay Miguel dahil sa kahihiyan. Hays jusko po, lupa pwede niyo na 'kong kunin ngayon.

"Kapag ba tinitigan mo na ang mukha ko, makakatulog ka na?"

Biro pa niya. Tss, alam kong nang aasar lang siya. Fishtea siya. Ramdam ko tuloy yung pamumula ng pisngi ko. Mabuti na lang at nakatalikod ako sakanya. Hindi niya ako kita.

"In your face! Matutulog na nga ako"

Umayos na ulit ako at bumalik sa kama. Hindi parin ako humaharap sa kanya dahil for sure, aasarin niya lang lalo ako kapag nakita niyang namumula ako.

"Alam ko naman hindi ka makatulog eh, kaya sige na. Ano ba pwede kong gawin para makatulog ka?"

Teka totoo ba 'to? Tinatanong niya ko? Yaaay keleg is meh. Umupo na lang ako sa kama pero hindi parin ako nakaharap sakanya. Sadyang hindi ako makatulog eh, kakapalan ko na mukha ko.

"Sa totoo lang kasi, hindi ko din alam kung bakit hindi ako makatulog. Basta ang nararamdaman ko lang ay takot"

"At bakit ka naman natatakot?"

"Hello? Nasa kubo lang tayo! At anytime pwede tayong liparin dito dahil sa sobrang lakas ng hangin. 'Di mo ba gets 'yon?"

Duwag na kung duwag. Eh nakakatakot naman talaga eh.

Napakamot lang siya sa ulo niya dahil sa sinabi ko. Hays, feeling ko ang laking sagabal ko sakanya. Bakit ba kasi siya pa yung papoproblemahin ko sa problema ko eh problema ko nga to? Lintek na problema to oh!

"Matulog ka na nga lang. Alam kong nakakaistorbo na 'ko. Sige na, pipilitin ko na lang makatulog"

Umayos na ulit ako sa paghiga at tumalikod sakanya. Ayoko nang makaistorbo pa. Problema ko naman to eh. Ba't ko pa siya idadamay?

Pinikit ko na lang ang mata ako at pinilit na matulog. Ramdam ko na naman yung malakas na ulan kaya lalo akong natatakot. Ramdam ko yung lakas ng hangin. Feeling ko tatangayin kami. Lord God, wag naman po sana. Mahal ko pa buhay ko jusko.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon