Chapter 54: Setting you free

1.2K 41 41
                                    

Miguel's POV

Sixteen years. Sixteen years na siya sa buhay ko. Sixteen years na siyang mahalaga sa buhay ko. Sixteen years ko na siyang minamahal. Sixteen years na kitang pinapahalagahan at gusto ko pang tumagal yun, Bianca. Pero alam ko ang lahat ng bagay ay may hangganan. Hindi kita makalimutan sa ngayon, pero sana sa pagdating ng panahon magawa ko na.

Bakit mo sa'kin to ginawa? Anong meron sa'yo na wala sa iba? Bakit ikaw parin ang tinitibok ng puso? Bakit ikaw parin ang iniisip ko sa kada araw? Bakit ikaw parin? Ikaw at ikaw parin ... Paksh*t!

1 message received
From: Jade
"Hey kuya Migs. Where are you na? Malapit ng matapos luto ni Aya. Hindi ka pa ba uuwi?"

Tumayo ako sa ikinauupuan ko at sinimulan ko ng maglakad. Nandito ako sa park. Kung sa'n kami unang unang nagkakilala. Kung sa'n kami unang maging magkaibigan. Hinanap ko ang mga bata na sina Macey at inaasahan kong nandito sila. Pero hindi ko sila napansin. Napa upo na lang ako sa bench at inisip ang mga sinabi sakin kanina ni Derick. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto kong matuwa na parang ayoko. Gusto ko kasi nalaman ko na kahit papano ay hindi niya parin ako nakakalimutan. Pero ayoko kasi si Aya, si Aya na ang para sa'kin. Hindi na pwede ulit maging kami ni Bianca katulad ng dati. At alam kong matatanggap namin yun sa takdang panahon.

I texted Jade na pauwi na 'ko. Wala ng saysay pa kung magtatagal pa ako dito. Sumakay ako sa sasakyan and open the engine. Minadali ko ang pagdadrive dahil baka nagtatampo na si Aya sa'kin. Hindi ko na siya nasamahan kanina mag groceries. Masyado na 'kong late sa special dinner namin. Every time kasi na may special dinner, breakfast or lunch kami. Lagi akong tumutulong kay Aya para bumili ng ingredients. Kapag nagluluto naman siya, palagi ko siyang ini-stolen shot habang nagluluto at pino post ko 'to sa account ko. Alam ng lahat kung gaano kami ka sweet at kaclose. But they didn't know we're fake. We are Fake lovers.

Yes we are celebrating our monthsaries and anniversaries. Pero alam namin sa isa't isa na sine celebrate namin ito dahil sa pagkakaibigan. Clingy ako sakanya, kasi gusto kong patunayan sakanya na kahit hindi ko kayang ibigay ang hinihingi niya, kaya ko naman siyang alagaan at maayos na boyfriend, literal na boy-friend. Nakakainis lang. Dahil hanggang ngayon, hindi ko parin kayang suklian yung pagmamahal na binibigay niya sa'kin.

Pagkadating ko sa bahay, pina park ko sa isang guard namin yung sasakyan ko at dumaan na sa likod para mapabilis ang pagdating ko sa dirty kitchen.

Naabutan ko silang nag uusap ni Jade. Tumikim si Jade ng luto ni Aya.

"Hmmm. Ang sarap! Tama lang yung asim ng sinigang mo Aya. Idol na talaga kita"

Nakakatuwa lang sila na panoorin na close na sila sa isa't isa. Akala ko kasi mahihirapan tanggapin ni Jade si Aya. Dahil alam kong boto parin siya kay Bianca. Pero sa nakikita ko ngayon, They're friends.

"Really? Thanks Jade"

Aniya ni Aya.

"Next time turuan mo naman ako magluto ah. Ang tagal ko ng gustong magpaturo sayo eh"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon