Chapter 63: Meet the W.P.

435 12 5
                                    

Miguel's POV

Lampas isang buwan na din pagkatapos niya akong sagutin nung gabi na 'yon. Nakapag celebrate na kami ni Bianca ng first monthsary namin sa Japan. Nag stay kami do'n ng three days lang kasi hindi kami pwede magtagal sa Japan, pareho na kasi kaming busy ni Bianca. Minsan may pictorial siya para sa Magazine. Tapos guestings kami. Idagdag mo pa ang kumpanya namin, lalo na't tumaas na ang posisyon niya. Ilang hakbang na lang, magiging Ms. and Mr. CEO na kami.

Naenjoy naman namin ang pag stay sa Japan. Winter doon kaya naranasan namin ang snow. First time lang namin makakita ng snow, kaya itong si Bianca. Hindi magkandaugaga sa pagkuha ng picture dahil sa pagka excite. Alam na ng buong showbiz na kami ni Bianca. Tutal naman, wala na kaming dapat itago. Mas masaya kami ngayon, kung ikukumpara mo yung dati, sobrang dami nga nang naging problema namin. Pero ngayon, schedule na lang ang kalaban namin ngayon. Minsan kasi sa sobrang busy namin, hindi na namin naaasikaso ang isa't isa. Good thing at magkatabi lang ang unit namin. Kaya minsan nadadalaw ko siya kahit saglit lang. Mas okay nang maging busy lang kami pareho, kaysa naman puro problema ang inaatupag namin. Kung may problema man kaming inaatupag, yun ay ang kumpanya namin. Tumaas na nga ang posisyon namin, kaya't mas lalong bumigat ang mga pinapagawa sa'min. Pero hindi ko maiwasang mainspired kahit napaka hassle sa trabaho, sabay naman kasi kami ni Bianca mag lunch pag pareho kaming nasa trabaho.

Basta kapag nakita ko lang si Bianca saglit, buo na agad ang araw ko.

"Tulala ka na naman dyan Mister Miguel"

Napalingon ako sa istorbong bigla na lang pumasok ng office ko, walanjo talaga 'tong si Hanna. Akala ko pa naman nag leave siya dahil may pupuntahan sila ng kakambal niyang si Aya.

"Bakit nandito ka? Nag leave ka di'ba?"

"Eh kasi cancel yung bonding namin ni Bal, nagmo-model na naman kasi ang babaita. 'Di pa nakuntento sa bagong bukas niya na Restaurant"

Oo nga pala, may sarili nang Restaurant si Aya. Sapat na daw kasi yung naipon niya, kaya nag resign na siya do'n sa dati niyang trabaho at nagtayo na lang ng restaurant. Tutal naman ay masarap siyang magluto.

"Siya nga pala, yung iniisip mo kanina pa. Andun sa labas inaantay ka"

Ano daw? Sino naman ang iniisip ko? Ano siya manghuhula?

"What?"

I raised my left eyebrow. Isang malaking question mark ang nasa utak ko ngayon.

"Si Bianca nandyan! Susme naman, may iba ka pa bang iniisip maliban sakanya huh?"

Ay oo nga pala, si Bianca lang naman talaga ang iniisip ko. Wait, what?! Andito siya? Ah-I mean nasa labas siya? Akala ko ba may pictorial siya ngayon?

"Bakit hindi mo pinapasok agad?"

Napatayo ako sa office chair ko at bubuksan agad ang pintuan, pero bago ko pa binuksan ang pintuan. Humarang na agad si Hannah para hindi ko mabuksan ang pinto.

Ano bang problema ng babae na 'to?

"Nakalimutan mo na ba? Hindi ka nagpapasok ng ibang tao ngayon sa office mo"

Oo, alam ko yun! Pero si Bianca 'yon, nasisiraan ba siya? Girlfriend ko kaya si Bianca!

"I know! Pero si Bianca 'yon! Ofcourse papapasukin ko dito si---ay oo nga pala!"

Bigla kong naisip yung surprise ko sakanya. Oo nga, hindi niya nga pwede makita ang office ko. Hindi pa 'to tapos asikasuhin ni Hanna eh, at wala pa 'kong balak ipakita sakanya ang surprise ko.

"Lumabas ka na do'n. Ako na bahala mag lock ng office mo"

Utos sa'kin ni Hanna. Kahit kailan talaga napaka supportive niya. Kahit lagi ko siyang inaasar, hindi parin siya nagsasawang tulungan ako sa lahat ng bagay.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon