Chapter 70: Anniversary

486 29 15
                                    

Bianca's POV

I can see his smile, his precious smile. Yung ngiting hindi basta basta maiibigay ng ibang babae sakanya.

I can see his crying. Pero hindi siya umiiyak dahil sa nalulungkot siya, pero dahil masaya na siya. Na sa wakas, makakasama na niya habang buhay ang nag iisang pinaka mamahal niya.

I am supposed to be like her, naglalakad sa aisle habang nag aantay siya sa altar. Kasama ko si Papa at Mama na ihahatid ako papunta sakanya. But then, I was too late.

That girl, I am very thankful. Kasi siya ang nagpasaya sakanya. Siya yung bumuo ng pagkukulang ko, habang busy ako sa iba. Siya yung dahilan kung bakit masaya na siya kahit wala ako sa piling niya. Nung una, nakakatampo. Dati kasi, ako lang ang mahal niya. Pero ngayon, may mahal na siyang iba.

Totoo nga ang sabi nila, people should come and go. Hindi habang buhay, kasama mo sila. Hindi habang buhay, nasa tabi mo sila. Matuto ka dapat na mamuhay mag isa. Kasi sa huli, magiging independent ka.

Masaya na ako, matagal na akong masaya. Kasi tanggap ko na ang lahat. Ganto naman talaga ang kahihitnan ko eh, ang mamuhay mag isa.

Sa sobrang lutang ang utak ko, ito na pala ang nangyayare ngayon,

"I do, father"

They're exchanging I do's. Siniko naman ang katabi kong si Eunice. Pareho na pala sila ni Sabrina na nakatingin sa'kin.

"What?"

"You're crying, Bff!"

Napahawak ako sa pisngi ko. Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko. Akala ko manhid na to eh. Akala ko kaya ko nang control-in ang feelings ko. Nagkakamali pala ako.

"You should be happy of them. Tahan na Sissy, someday ikaw naman ang ikakasal"

Natawa ako dahil sa sinabi ni Sabrina. Sa isip isip ko, ako magpapakasal? Kanino naman?

Eh hindi na nga siya available eh.

Nanonood lang ako sakanilang dalawa, habang nagpapalitan na ng wedding ring. Nakita ko sa gilid si Maureen, siya nga pala ang nagplano ng kasal. Sino pa nga ba ang magiging wedding planner kundi si Maureen lang. Naalala ko dati, siya dapat ang magiging wedding planner namin. Kaso hindi natuloy eh. Baka talaga itinadhana kaming hindi magkatuluyan.

"And I pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride,"

Rinig ko na ang tiliin at palakpakan ng mga tao. Imbis na mapaluha ulit ako, tumayo ako at isa na din ako sa kanila na palakpakan sila. Ito na, kasal na siya. Wala na nga talagang magpapapigil sakanya. Atleast, invited ako sa kasal niya diba. Masaya na ako do'n. Sapat na sa'kin yun. Lalo na't nakikita ko siyang masaya, masaya na din ako.

Pagkatapos nang nangyare na iyon ay isa isa nang nagpuntahan ang mga tao sakanila, para nadin magpapicture sa bagong kasal. Nagdesisyon kaming magkakaibigan na ihuli kami. Tutal naman, mas madami silang relatives na dapat unahin.

"Kasal na ang kaibigan natin, aw! Sino kaya ang sunod?"

Mangiyak ngiyak pa na sabi ni Elmo sa'min.

"Baka kami na yun ng sweetheart ko"

Sabay akbay si Nick kay Jhaze. Oo nga pala, tama ang hinala ko. Sila talaga ang magkakatuluyan. Naalala ko dati, nung dinalaw ako ni Jhaze dito. Binalita niya sa'kin na may boyfriend na siya, inaasahan ko na talagang si Nick yun. At hindi nga ako nagkamali, bagay naman kasi talaga sila eh.

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon