Chapter 53: Story left untold

1K 39 33
                                    

A/N: (please read)
Itinuturing ko itong Special Chap, Smefiancers. You know why? Dito iku-kwento yung pangyayare sa loob ng 4 years. Mahirap mag judge, kasi akala niyo kesyo iniwan lang sa ere. Kesyo nakalimutan na agad ang past. Dito niyo malalaman ang saloobin nina B at M. SHORT UPDATE lang po ito pero worth it naman kasi naliwanagan kayo. Hindi na ako magtataka kung sino ang team Bianca at team Miguel dito after you read this. Enjoy reading, Smefiancers!

*****

Miguel's POV

"Wag kang magalit sakanya"

Hindi ako makapaniwala. Pa'no nagkaroon ng kapatid si Bianca? As far as I know unica hija siya. Everytime na pinapakilala siya para sa business, iisang anak lang si Bianca. Pero ano 'to? Bakit malalaman ko na lang na may kapatid siya? At FAKE BOYFRIEND pa niya.

"Paano mo naging kapatid si Bianca?"

I asked him. Nandito kami sa malapit na coffee shop kung saan nasiraan ng sasakyan si Derick. Ito na din yung chance para malaman ko ang totoo. Kung bakit niloko niya ko. Ilang beses na ba niya akong niloloko? Hindi ba siya nagsasawa na lokohin ako? Ano bang akala niya sa puso ko? Kasing tibay ng bato. Tao lang din naman ako. At marunong ako masaktan. Marunong ako magalit. At dahil sa nalaman kong 'to, galit ang namumuo sa nararamdaman ko ngayon.

"I'm from Los Angeles.  Nung nag eight years old ako, nalaman ko na ampon lang ako. Anak ako ng kaibigan ni Papa, which is papa ni Bianca. Nag decide ako na manirahan sa Los Angeles, kasi gusto ko mameet ang parents ko. Then one day, nalaman kong matagal na silang patay. Hindi na ako bumalik pa dito dahil gusto kong maging independent. Sobra sobrang pagmamahal ang binibigay sakin ng parents niya. Tinuturing ko na silang mama at papa. Ako na ang nag suggest na i- sikreto ang tungkol sakin. Dahil baka maka apekto pa ito sa Big 3 Company. Iniwan ko si baby girl nung 6 years old pa lang siya. Hanggang sa nalaman ko, may nakilala na siyang bagong kaibigan. At ikaw 'yon. Kahit papano gusto kong mag thank you sayo, kasi nung panahong iniwan ko siya. Dumating ka sa buhay niya. Once in a month lang kami nakakapag video call, at ikaw lagi ang kinukwento niya. Hanggang sa dumating sa point na busy ako. Wala na akong balita sakanya. Wala na akong balita sainyo. Ayun pala, iniwan mo din siya"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon