Chapter 55: Wrong Decision

987 34 9
                                    

A/N: Welcome BiGuel na nga ba? Or may bagong Twist? Let's see... :)))

*****

Bianca's POV

Kakatapos ko lang kumain ng brunch. Late na ko nagising, puyat ako sa kakaiyak. Mabuti na lang hindi masyadong namaga itong mata ko. Mamayang hapon pa naman ay aalis ako. Ide-date ko lang sarili ko. Gusto kong mag beach na ako lang mag isa. Nang sa ganoon ay makapag isip isip ako. Actually buo naman na talaga ang desisyon ko na layuan na si Miguel for good. Naisip ko na din ang career ko, kaya ko naman kasi maging sikat pa din kahit hindi ko siya kasama. Sana lang pumayag si tita Jenny. Little Kendall niya naman ako kaya for sure papayag yun. Sus ako pa ba? Malakas ako kay tita eh.

Nagbasa na lang ako ng libro pampawala ng bored. Gusto kong marelax ang utak ko. Ayoko munang isipin yung Unggoy na yun. Ayoko munang isipin lahat ng gumugulo sa utak ko. Kung pwede lang magka amnesia Ulit, ginawa ko na. Kung pwede ko lang iuntog ang sarili ko para mawala ang memories ko, ginawa ko na. Kaso hindi eh. Namumuhay ako sa reyalidad. Kaya kailangan kong tanggapin ito.
Oo Bianca! Isang pagsubok lang to. Lilipas din to. AJA!

Napatigil ako sa kakabasa ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa side table at sinagot ng hindi ko binasa ang screen kung sino ba ang tumawag sakin. Well, ganun talaga kapag sumapi sayo ang katamaran.

"Yes? Hello?"

(Bianca. It's Aya)

Nanlaki ang mata ko atsaka ko tinignan ang screen ng phone ko. Sheyt, siya nga! Gawd. Bat kinakabahan ako? Okay naman na kami ah. Nakapag usap na kami. Bat kailangan niya pang tumawag sakin? Ano pa bang kailangan niya? Ayan na naman ang thoughts ko, pinapakaba na naman ako.

"Oh hey Aya. I-ikaw pala. Napatawag ka?"

(Wala naman. Gusto ko lang ipaalala sayo ang flight ko. 2pm nasa airport na kami)

Don't tell me gusto niya kong makita sa huling pagkakataon? No way! For sure nandoon si Miguel. Baka mabored lang ako. Malay mo nagbago ang isip ni Aya na iwan si Miguel. Haler, nasayo na ang lalaking napaka ideal guy, papakawalan mo pa ba? Hindi na siyempre. 'Wag niyo na kong tularan.

"Ganun ba? Uhm, have a safe trip. Take care of yourself. We'll miss you!"

Hindi ko alam kung pinaplastik ko lang ba siya or what? Siguro mami miss ko siya. Pero siguro mas mamimiss siya ni Miguel. Oo na, kahit alam kong bestfriend lang turingan nila, alam ko naman na mahalaga parin si Aya kay Miguel. Hindi naman imposible yun. 'Wag nga kayong ano! Ba't naman ako magseselos? Sus!

(Bianca, please be there at exactly 2pm. Okay?)

"Huh? For what?"

(Uhm... Sabihin na natin na, ito na yung panahon para ituloy ang naudlot na pag iibigan)

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon