Chapter 62: Second Chance

562 18 12
                                    

Bianca's POV

Pagkatapos nang gabing nakatulog ako kila Miguel ay hindi na naulit 'yun. Lols

Hindi pa naman kasi kami, hindi alam nila Mama at Papa na nakatulog na ako katabi si Miguel. Well, yeah hindi na bago sa'min yun kasi nung nagbakasyon kami ay nagkatabi na kami. At naulit na naman, alam kong nakakakilig pero alam ko parin ang limits ko. Kaya utang na loob, wag na sana maulit 'yun. Baka hindi ako makapagtimpi eh, ang bango niya kaya! Tapos ramdam mo pa yung hininga niya sa mukha mo. Sheyt, magpigil, magpigil pa Bianca!

Wala akong schedule sa pagiging artista, pero sa Umali Company meron! Masyado ko na nga yatang ineenjoy ang pagiging busy. Ipagsama mo ba naman ang Showbiz at Business. Mabuti na lang hindi pa ako nababaliw. Ay oo nga pala, matagal na akong baliw. Baliw kay Miguel. ayeee!

Pina attend na naman ako ni Papa ng meeting. Sabay na kaming pumunta do'n ni Sabrina. Sinabi niya kasing siya din ang pinapa attend ng Dad niya eh.

"Kamusta naman ang surprise mo kay Miguel, Sissy? My Gosh! Napagod kaya kami sa surprise niya sa'yo"

Hala, anong surprise 'yung sinasabi niya?

"Surprise? Anong surprise yun, Sis?"

Nanlaki ang mata niya at napatingin sa'kin ng deretcho. Weird nitong babae na 'to. Ano kayang binreakfast niya ngayon?

"Sinabi ko bang surprise? Ang sabi ko, ano.. ahm.. Napagod kami sa kakaantay ng update kung kamusta ang date niyo. Oo ayun nga! Yun pala, hindi naman pala natuloy date niyo"

Ah yun pala 'yun. Ang dami ko yatang nadissapoint dahil sa hindi ko pagsipot sa date namin ni Miguel. Tinawagan na kasi ako ni Eunice at puro sermon ang inabot ko sakanya nang nalaman niyang hindi ako tumuloy sa date namin. Sina Miggy at Elmo naman, nagdrama sa'kin. Sabi ba naman "Ganyan ba talaga kayong mga babae? Sasayangin niyo lahat ng efforts naming mga lalake? Nasa'n ang hustisya do'n?" Parang sira lang di'ba? Palibhasa kasi binreak sila ng mga bestfriend ko eh.

"Ahh okay, birthday niya kasi 'yun. Ofcourse ako naman ang nagsurprise sakanya. Pero in fairness! Successful ang surprise ko sakanya, hihi"

"Halata nga sa IG post mo eh, kilig much kaya ako do'n! Hindi ko aakalaing gagawin mo 'yun"

Oo nga pala, bago pa kasi dumating si Miguel. Nagpapicture na ako sa kwarto niya yung finish product na pinaghirapan namin at pinost ko 'to sa IG at Facebook account ko. Jusko, three hours lang namin inasikaso 'yun. Kaya wag na kayo mag expect na bakit ganun lang ang surprise ko sakanya. Pero okay na din! Natuwa naman siya sa hinanda ko para sakanya eh.

"Totoo nga kasi ang sabi nila. Na kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka magsasawang mag-effort para sakanila"

Ngayon pa ako humugot kung kailang kasama ko siya. Oo nga pala, walang lovelife ito ngayon. Tsk!

"Alam mo, corny mo na Sissy! Bilisan na nga lang natin maglakad"

Sabi na bitter 'to eh.

Nakikita ko na 'yung pintuan kung saan kami magme-meeting. Binuksan na ni Eunice ang pinto at hindi namin inaasahan ang mga nakita namin.

Nag aaway na naman sila, don't tell me dahil na naman sa akin.

"Alam mo pre, 'wag mo kasing solohin ang isang bagay na hindi naman sa'yo. 'Wag kang madamot!"

"Oh talaga? Wala akong pake sa nararamdaman mo!"

"Tss, ang sabihin mo. Takot ka lang maagaw ko siya sa'yo"

"At bakit naman ako matatakot? Hindi mo siya maaagaw sa'kin kasi matagal na siyang akin!"

"Really? Eh hanggang ngayon hindi ka pa nga niya sinasagot eh. Sigurado ka ba talagang may gusto din siya sa'yo?"

She's My Ex Fiancé Book2 'BiGuel'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon