Prologue - Leicel Aleina Sorgevba

111 4 0
                                    

Samantha Liya POV:

"Nay, aalis na po ako, may upcoming presentation pa kami mamaya, need magpractice before i-present. See you later, Nay!"malambing na sambit ko habang nagmamadali pababa ng hagdan, dala-dala ang mga gamit ko.

Napasampal nalang ng noo si nanay, nang makita ang kalagayan ko.

Which is, ganito naman talaga ako araw-araw, school sucks talaga.

Hawak-hawak ko na ang doorknob dahil handa nang umalis, ngunit kinapa ko muna ang necktie ko kung naisuot ko na, pero laking gulat ko nang maramdaman na wala ito.

Nakng, ngayon pa talaga nakisabay ang necktie ko.

"Na—"naputol ang sasabihin ko nang makita si mommy na nakangiting hawak-hawak ang necktie ko.

Napangiti na rin ako, nariyan talaga palagi si nanay upang ibigay ang mga bagay na nakakalimutan ko.

Agad lumapit si nanay saakin at isinuot ang necktie ko.

"Bye, nak, mag-iingat ka ha?hinay-hinay lang sa pagdrive"pagpapaalala ni nanay sa'kin.

Agad akong tumango, at saktong natapos na rin ni nanay na isuot ang necktie ko at binigyan ako nito ng halik sa pisngi bago humakbang palayo sa'kin ng may ngiti sa labi.

How I love my nanay so much.

Kumaway nalang ako kay mommy at tuluyan ng umalis at pumasok sa sasakyan ko at nilagay ang mga gamit na dala-dala ko.

Kung ilalarawan ako, ang masasabi ko ay mukha akong "christmas tree" sa dami ng dala ko.

"Another day, another slay, I guess."

——
Leicel Aleina POV:

Narito ako ngayon sa bench, which is malapit lang sa gate.

Narito ako kasi hinihintay ko ang masungit na kaibigan ko, which is Samantha.

Oo, masungit talaga yan, pero not all the time.

Dahil wala pa naman siya, ilalarawan ko siya.

Yan si, Samantha Liya Caballero, kaibigan ko. Maraming nakakakilala sakaniya dahil sa angkin nitong ganda at sa pagiging matalino, tahimik, maganda, magaling sa recitation, magaling sa cheerleading, masungit, mapagbigay at sa pagiging habulin ng mga lalaki.

Maraming babae ang nagseselos at naiingit sakaniya, kalabanan saamin ay hindi alam ang dahilan, maliban sa pagiging perpekto at maganda. Pero, ang lumalaganap na dahilan daw ay ang kakayahan niyang makasungkit ng iba't ibang lalaki, kahit wala itong ginagawa or aksyon lamang.

Na para bang, sila ay naakit kahit isang tingin palang nito kay Samantha, which I can't deny din naman, dahil ito ay totoo.

Unang pagkikita namin niyan, ay agad nitong nakuha ang atensyon ko kahit wala itong motibo o tingin na binigay saakin.

Ngunit, sa dinarami ng nanliligaw at nagkakagusto sakaniya, walang nagwawagi.

As in, kahit ang campus crush o hearthtrob ay hindi nagwagi. Hindi naman ni Samantha ito tinatakot, o inaaway.

Pero, dahil medyo palagi kaming magkasama nito, ang dahilan ay dahil sa attitude nito at pakikitungo sa mga lalaki. Ikaw ba naman ilang beses mong nireject at sinabihang "ayoko pa magboyfriend", "walang chance sa'kin" ngunit ayaw pa rin nitong tumigil.

Hello, Mr.Act of ServiceWhere stories live. Discover now