KABANATA III - Klent Keo Caristam

58 4 0
                                        

Samantha Liya POV:

At pumasok si Klent Keo Caristam sa room, isa sa mga manliligaw ko, pero torpe.

Oo, torpe, minsan lang yan magpakita sa'kin, pero kung makachat, batak na batak teh.

Halos, gabi-gabi niya ata ako chinachat at pinipick-up lines, pero sa personal, halos hindi niya ako pansinin at parang hangin lang.

"Hello, Samantha, good afternoon"bati niya ng may ngiti sa'kin, ngunit, halata pa rin sa mukha niya na nahihiya siya.

Ngek?ano 'to.

"Hindi ah, tamang kwarto ang napuntahan ko, ikaw talaga ang gusto kong puntahan"wika niya, na may nagpalambot sa lugar ng puso ko.

"Ha?bakit?"nagtatakang tanong ko.

"Ngayon ko lang naintindihan na, hindi pala ako pormal na nakapagpakilala at sinabi ang gusto ko"sabi niya sa'kin.

Magsasalita pa sana si Keo, nang biglang nagnotif ang cellphone ni Jovie, dahilan upang matuon doon ang atensyon ng mga tao sa kwarto.

Pinanood nami si Jovie na buksan ang cellphone niya, upang i-check kung ano iyon.

Isang matamis at malaking ngiti ang kumurba sa mga labi nito, hmm, parang I sense something ah.

Biglang tumayo si Jovie at kinuha ang bag niya, "Mauna na ako girls, may pupuntahan pa pala ako. See you tomorrow!"nagmamadaling paalam ni Jovie at binigyan kami ng tig-isang halik sa pisngi.

Hindi na kami nakapagpaalam sakaniya, dahil napakabilis ng nangyari.

"Actually, aalis na pala muna kami, bibigyan muna namin kayo ng oras na kayong dalawa lang, para pag-usapan ang isang importanteng bagay"sambit ni Shan at nagbigay ng maliit na ngiti at niyaya na sina Leicel at Raven.

Nang tuluyan nang umalis ang tatlo, ay may binulong si Keo sa mga barkada niya.

Iniwan kaming dalawa rito.

"Tara upo, mangangalay ka kakatayo riyan"pag-aaya ko sakaniya at inunahang umupo sa harap ng upuan na para sakaniya.

Siya'y nagbigay ng ngiti at tango, bago umupo nang tuluyan.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo?pwede mo bang ituloy iyon?"tanong ko at nagbigay ng matamis na ngiti.

Agad naman siyang umiwas ng tingin at hinawakan ang leeg niya, na tila natiklop sa ngiti ko.

Ay, ganon?

"As I was saying, hindi pala ako pormal na nagpakilala at nagsabi ng aking ninanais. Ako nga pala si Klent Keo Caristam. Ako'y nabighani ng lubos sa iyong kagandahan, na kay sarap pagmasdan, mapalayo o mapalapit man. Gusto kong malaman mo na, gusto sana kitang ligawan, upang maipakita ko saiyo kung gaano ako kapursigido na makuha ang matamis mong oo." malambing niyang sambit, na tila seryoso siya sa bawat salita na binibitawan niya.

"Alam kong, wala rin akong pag-asa, tulad ng mga manliligaw at nakaraang manliligaw mo, ngunit, narito ako upang ipakita na, ako'y talagang seryoso at handang maghintay kahit gaano pa ito katagal"dagdag pa niya.

Ito na naman po tayo sa hihintayin kita, kahit gaano pa ito katagal.

"Hays, hindi ka pa ba natuto?Keo, ilang beses mo nang ginawa ito. Ilang beses na rin kitang nireject, bakit ba, nagpapakatanga ka sa babaeng hindi karapat dapat saiyo?"sambit ko habang namumuo ang mga luha sa mata ko.

Agad siyang yumuko sa mga binitawan kong salita, alam kong masakit iyon, pero, kailangan niyang matuto at maintindihan.

"Keo, ilang beses na kitang sinabihan na wala ngang chance sa'kin. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ba, pinipilit mo ang sarili mo sa'kin?kahit na alam mong, ayaw ko nga sayo?at kailanman ay, hinding hindi kita magugustuhan" wika ko at yun rin ang pagpatak ng luha ko sa pisngi ko.

"Sam, anong magagawa ko?dahil ikaw lang ang sinisigaw at hinahanap ng puso ko?anong laban ko rito?"naiiyak na sabi niya at tinuro ang puso niya, habang tumitingin sa'kin.

"Kung, kung naririnig mo lang ang sinisigaw at sinasabi ng puso ko, malalaman mo, na kahit anong gawin mo, kahit ipagtabuyan at sabihing ayaw mo sa'kin, ay ayaw pa rin nitong umalis?"dagdag niya pa.

"Ginawa ko naman ang lahat eh, humanap ako ng ibang babae, pumunta ako sa mga bar, upang burahin ka sa puso at isip ko, ngunit, anong magagawa ko??pangalan mo pa rin ang sinisigaw nito?kung alam mo lang, matagal na kitang gustong kalimutan, dahil ilang beses mo na rin akong sinampal ng katotohanan at ipagtabuyan, pero wala eh, malakas ang tama ko saiyo, tuluyan akong bumagsak saiyo"sambit niya at ngumiti ng mapait.

Oo, matagal ko nang kilala itong si Klent Keo Castillo.

Matagal ko nang binalaan at pinigilan si Keo sa nararamdaman niya sa'kin, dahil kailanman ay, kaibigan lang ang tingin ko sakaniya, at wala ng iba.

Ngunit, sabi nga nila, hinding-hindi mo mapipigilan ang nararamdaman mo para sa isang tao.

"Keo, hindi ka ba naawa sa sarili mo?kasi ako, oo, sobra. Masakit makita na nagpapakatanga ka sa'kin, kahit na alam mong masakit, tinutuloy mo pa rin"wika ko habang dahan dahang hinawakan ang mukha niya.

Tumayo ako at dahan dahang iniwan siya, at pinanood ang tanawin sa labas.

"You know what, Keo, nagsasayang ka lang ng oras at efforts sa'kin, I mean, I really appreciate them though, but the fact that, you're hoping some in return, and I can't do it, hurts me. I mean, look, there's plenty of girls, that is ready to love you no matter what, but, you're still here, holding on the rope without support"I said as tears rolled down on my cheeks, again.

"Anong magagawa ko?mahal kita, Samantha."

————
Samantha_pretty0

Hello, Mr.Act of ServiceWhere stories live. Discover now