KABANATA XXX - Help

10 1 0
                                    

SAMANTHA POV:

Shet, pa'no ba 'to?nung panoorin ko kung pa'no ni ma'am gawin iyon, mukhang madali naman ah?pero nung triny ko, 'wag niyo nalang ako kausapin.

Dahil hindi ko talaga makuha ang stitch, nagpasya na 'kong lapitan si ma'am. Kung nagagawa ko rin naman, hindi maganda ang pagkakalagay. Ayokong ma-zero!

"Hello, ma'am, paturo lang sana ako kung pa'no po gawin ang cross stitch. Hindi ko po makuha-kuha eh."

Binigyan ako ng ngiti ni ma'am bago mapatingin sa ginawa kong stitch. "Mukhang nahihirapan ka nga, iha."

=___=

Ma'am naman...parang sinasabi mo na rin na pangit ang gawa ko.

Mapait akong napatawa. Pa'no ako makakatawa nang maayos kung gayong nahihirapan ako ng sobra?

Maingat na kinuha naman ni ma'am ang mga materyales sa kamay ko at ako naman ay hinayaan siya, bagkus ay mas binuksan at pinakawalan ko ito.

"Ganito iyan, iha"pagsisimula ni ma'am at ipinasok ang needle sa fabric, kung saan ang simula nito. Mas inilapit ko naman ang sarili ko upang mas makita ito.

"Simula mo bandang dito, tapos sa likod ka susunod na papasok. Pagkatapos, hihilain mo upang kumapit nang maayos at hindi agad masira—"pagtitigil niya at mas binigyan muna ng pansin ang ginagagawa niya. Tama ang desisyon ko eh, yung magpatulong, kaya na-gets ko na unti-unti. "Pagkatapos, sa likod ka ulit tutusok, dito—"sabi niya at ipinakita sa'kin ang sinasabi niya, tinanguan ko naman ito. "Ang huli mong gagawin, itutusok mo malapit sa pinagmulan mo, and yan ang dapat na makikita mo—"dagdag niya pa at napangiti ako, dahil parang naintindihan ko na nga. "Kapag tapos ka na, i-lock mo ang huling sinulid mo saka ayusin ang sobrang sinulid para hindi pangit tingnan. Nakuha mo ba, iha?"nakangiting tanong ni ma'am, ako'y napangiti ng may ngiti sa'king labi.

Inilahad niya naman ang mga gamit ko at tinanguan ako. "Thankyouu po talaga, ma'am! naintindihan ko na po ng sobra!"pagpapasalamat ko at binigyan siya ng isang yuko.

"Walang anuman, iha. O siya, ipagpatuloy mo na 'yan, para hindi ka kapusin sa oras."

Mahina ko itong tinanguan at bumalik sa upuan ko. Nang i-try ko na 'yon, ang saya-saya ko habang ginagawa iyon dahil maganda at diretso na ang gawa ko.

Nakangiti ako habang ginagawa iyon, pokus na pokus sa paggawa na parang iyon na ang huli kong gagawin sa mundo.

Grades ko nakasalalay, dapat seryosohin :))

Inabot ako ng walong minuto sa paglagay ng stitch hanggang makagawa ng apat na linya na ganoon. Nang i-lo-lock ko na iyon.

Halos mabutas na sa sobra ng butas dahil ilang beses ko ng sinubukang i-lock iyon, pero pagtrina-try kong hilain ang fabric, kumakalas ito.

Nakarinig ako ng yapak pero hindi ko iyon napansin dahil masyado akong pokus sa pag-aayos, na baka sakaling masolusyonan ko iyon.

"Having a hard time?"someone asked. I didn't bother to take a look of it because of this lock thing in my stitch. "Ah, oo, ang hirap i-lock. Naiinis ako."

"Alam ko kung pa'no, gusto mo tulungan kita?"tanong nito, napatingin naman ako roon. It's Rej.

"Ah, sure, ito"sabi ko at inilahad sakaniya.

Tulong na oh, tatanggi pa ba ako?

Lumapit naman siya sa'kin at tinabihan ako upang lubos kong makita kung pa'no niya gawin. "Pasensya na kung naabal—"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita rin siya.

Hello, Mr.Act of ServiceWhere stories live. Discover now