Samantha Liya POV:
Time check, 3:50 p.m. Napakabilis ng oras, kanina nakaupo lang kami sa upuan habang nakikinig kay sir Adolfo.
At kumakain pa kami sa Cafeteria, tapos ngayon, narito na kami sa library, tinatapos ang pending schoolworks namin.
Marami pa kasi ang free time, at masyado pang maaga, para umuwi agad.
"Saan tayo pagkatapos nito?"biglang tanong ni Raven.
Lahat napatingin sakaniya, habang siya ay nakangiti lamang habang hawak-hawak ang cellphone niya.
"Ang tamis yata ng ngiti mo ngayon ah?may patutungahan ka ba, pagkatapos nito?"tanong ko.
"Oo nga naman, parang may something eh"sambit naman ni Jovie.
"Parang alam ko na kung bakit"dagdag ni Leicel at sinagi sa balikat si Raven, na nagpalawak pa ng ngiti ni Raven.
"Saan kasi kayo next?"ulit niyang tanong.
"Wala akong maisip eh."
"Parang ako rin."
"Medyo same.""Ikaw Shan?ikaw nalang ang pag-asa ko"nasasabik na sabi ni Raven.
"I don't know, kung saan kayo, naroon din ako"sagot ni Shan habang nagbabasa pa rin.
"What if, sa streetfood tayo mamaya?"suggest ni Raven ng may ngiti sa labi.
Agad napa-igik si Leicel.
Natuon ang atensyon sakaniya, dahil bigla rin itong tunalikod.
Napangiti nalang ako, dahil naalala ko ang kinuwento niya sa'kin kanina.
magstre-streetfood kami, mamayang hapon.
"Parang feel ko, lumayo-layo tayo roon, baka kagatin tayo ng sobrang langgam mamaya eh"sambit ko, pang-aasar kay Leicel.
Napa-ubo si Leicel sa naging sambit ko.
"Anong nangyayari sayo?Leicel?okei ka lang ba?ba't nakatalikod ka?"nag-aalalang tanong ni Jovie kay Leicel.
"A-ahm, wala 'to, m-may bumara lang sa ano ko"sabi niya habang nakatalikod pa rin.
"What do you mean na langgamin tayo?maraming nahulog na pagkain ba roon?"Jovie asked.
"Tanungin niyo ang isang namumula riyan"nakangiti kong sabi habang tinatapos ang parte ko sa isang proyekto.
"May hindi ka sinasabi saamin, Leicel"sambit ni Raven habang hawak-hawak ang baba niya.
"Baka naman, care to tell?"sabi ni Jovie at tumawa nang mahina.
"A-ayoko, si Samantha tanungin niyo, baka maging literal na kamatis ako, kapag ako ang nagsabi"sabi ni Leicel at napa igik sa kilig.
Agad namang natuon sa'kin ang atensyon ng tatlo, handa nang makinig at salita ko nalang ang hinihintay.
"Sino pa ba ang makakapamula at dahilan para magkaganyan ang kaibigan natin?"sabi ko at nagbigay ng pang-aasar na ngiti.
"Ah si Troy."
"Ah, yung crush niya, sabagay."Hindi na nakayanan ni Leicel ang nararamdaman niya, kaya agad itong nagpaalam na umalis, papuntang banyo.
"Bakit?ano meron sa crush niya?" nagtatakang tanong ni Jovie.
"Ah, wala naman, pero sakanilang dalawa meron, niyaya lang naman siyang magstreetfood date malapit sa gate"pagkukwento ko at pagkatapos ay nag-unat-unat.

YOU ARE READING
Hello, Mr.Act of Service
RomantikSamantha Liya Caballero, is an independent, strong, attitude and kinda bossy girly who loves to do things she want in her life without depending it on someone, all by herself, since, she was raised by a strong and independent woman. But, she met som...