Samantha POV:
Few weeks pssed after that day. And I can say na my friends, Rej and his friends are being weird.
Those past weeks, they're testing him the phrase "ligawan mo na 'kaya" or "sus, crush mo lang si Sam eh"
And akong speechless, dahil HINDI NIYA RIN NAMAN DINE-DENY, I just smile at it everytime they do those.
Itong mga kaibigan ko, tila nahiptonismo ng mga kaibigan ni Rej dahil nagkakasaundo talaga silang kung inaasar kaming dalawa.
And I can say na, we're now friends. Parang close friend na talaga, pero parang hindi rin. Basta, comfortable na kami sa isa't isa, lalong-lalo na ako.
He's also delivering me food from canteen, na pinapasabay ko sakaniya. He doesn't complain about it, he just accepts it immediately with a smile, no hesitation in addition.
Litong-lito ako, kung may karapatan ba akong bigyan ng meaning ang mga ginagawa niya sa'kin, idagdag mo pa ang mga asaran ng kaibigan niya at akin.
Hindi lang kasi iyon ang mga ginagawa niya sa'kin, hindi naman ako masyadong pa-fall ng ga'non 'no!
Minsan kasi, parang madalas, sa tuwing napapatingin ako sa likod, most likely tingnan kung nagcutting classes na naman ang mga pala-cutting kong classmate, nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin.
Hindi sa lahat ng pagkakataon na nahuhuli ko siya 'non, ay iniiwas niya ang tingin niya, dahil mas kadalasan siyang ngumingiti sa'kin, kahit nakabusangot pa 'ko minsan. Madalas ngang napapangiti nalang ako kapag ngumingiti siya sa'kin, dahil tila kaya nitong pakalmahin ang kalamnan ko ng wala sa oras.
Idagdag mo ring, mas madalas siyang tumutulong na linisan ang dapat lilinisan ng aking grupo kapag araw na kami ang nakatakdang maglinis, lalo na sa silid-aralan. Hindi ko masasabing baka ganoon siya sa lahat, dahil walang ibang grupo siyang tinutulungan, oo, parang hindi na rin siya tumutulong sa grupo nila.
Minsan sinasabi ko na lang sa aking isipan na, siya'y nagmamagandang loob at tinutulungan kami para maliit nalang ang lilinisin nila bukas, nang sa gayon ay hindi na kailangan pa ng maraming tao para magtulungan na linisan ito.
At, palagi siyang nariyan kapag ako'y nahihirapan sa isang aralin sa matematika. Yung tipong, pinili kong lumayo sa mga kaklase ko upang hindi nila makitang ako'y naghihirapan, ngunit, palagi niya akong nahuhuli sa mga ganung sitwasyon ko.
Ni isa, wala akong sinasabihan kung naroon ako sa mga galawan na 'yon, kahit sa kaibigan ko man. Kaya, ako'y nagtataka talaga ng labis minsan. Pero, mas natatangap at natatanaw ko itong magandang sitwasyon/galawan. Yung, hindi mo na kailangang ipahalata at iparamdam sakanila na ako'y nahihirapan at nangangailangan ng tulong, dahil nariyan na siya.
Kasalukuyan ngang palapit na naman siya sa puwesto ko. Kakaupo ko lang sa isang sulok, wala pang sampung minuto na ako'y narito.
"Naks, nakita mo na naman ako. Walang kawala ah?"pabiro kong tanong sakaniya, siya'y napangiti agad.
"Ikaw pa, o, Siopao"sabi niya at inabot sa harapan ko ang Siopao, na parang kakabili niya lang sa Canteen.
"Hindi ko naalalang nagpabili ako niyan sa'yo?"nagtatakang tanong ko sakaniya, hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa kanyang labi.
Ginulo niya nang mahina ang buhok ko. "Libre 'to"sagot niya sa tanong ko.
"Salamat, pero hindi naman ako gutom. Mabuting saiyo nalang siguro"naging sambit ko.
YOU ARE READING
Hello, Mr.Act of Service
RomanceSamantha Liya Caballero, is an independent, strong, attitude and kinda bossy girly who loves to do things she want in her life without depending it on someone, all by herself, since, she was raised by a strong and independent woman. But, she met som...