JOVIE POV:
Ang tanga naman pumili ng reregaluhan
clue: AkoIlang beses ko nang nabunot si Joan. Hindi naman sa ayaw ko sakaniya.
Makahanap nga ng bago. "Pahiram nga ng box, Shann"agad kong anas nang makarating sa harap ni Shannelle na kasalukuyang nakikipagtawanan kasama sina Raven.
Hindi ko alam kung namalayan ba niyang binigay niya sa'kin ang box ng walang ibang sinasabi o talagang masyado siyang enjoy sa pakikipagtawanan.
Hindi na ako nagsalita pa at may maliit na ngising dinala ang box sa isang sulok. Papalitan ko talaga yung nabunot ko.
Habang abala sa pagbubunot nang paulit-ulit sa isang sulok, walang pasabing lumapit si Zjan.
"Jovie, kunin mo nga yung pangalan ni Sam jan"sabi niya at tumigil ng hindi kalayuan sa pwesto ko, tumaas naman ang isang kilay ko.
"At bakit naman, aber?"tanong ko pa at niliitan pa ang mga mata ko para paaminin siya sa plinaplano niya.
"Basta"tipid niyang sagot.
"Hindi ko ibibigay kapag hindi mo sinabi kung ano ang gagawin mo sa hinihingi mo"sabi ko pa at nilabas ang dila ko para mas asarin siya.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ko 'yon ginawa =___=
He sigh, there's a hint of stress. "Plano namin 'yan ni Rej, para, you know, si Sam yung mabunutan niya."
Aba?ano akala nila sa'kin?uto-uto?para ibigay agad yung hinihingi nila?aba
***
"Wait, nahihirapan akong hanapin. Kalma lang"sabi ko nang mapansin na parang urat na urat na siyang maghintay."Gusto mo bang tulungan kita jan?"suhetisyon niya at naglakad palapit sa'kin.
Agad kong hinarang ang kamay ko sa harapan, senyales na pinapatigil siya.
"Magtataka sila niyan. Stay ka nalang jan"anas ko at pinagpatuloy ang pagbukas—sarado ng ilang papel na iba ang pangalan, hindi ang hinahanap ko.
Binuksan ko ulit ang isang papel at bumungad sa'kin ang pangalan ni Sam. Sa wakas!
Akmang ibibigay ko na ang papel na naglalaman ng pangalan ni Sam at handa na rin si Zjan kunin iyon ngunit agad kong binalik sa kahon, dahilan para magtaka si Zjan at muntik nang magmura.
"Ah—oo, naaalala ko 'yon, laughtrip nga 'yon—uyy, Zj"bumungad si Sam na naglalakad kasama si Rhine.
Mahinang tumango si Zjan at umalis papunta sa mga tropa niya. Bago pa man tuluyang makaalis si Zjan sa paningin ko, tumingin siya pabalik na parang sinasabi na 'itutuloy ang plano mamaya'.
Agad ko siyang binigyan ng tingin na sinasabi pabalik na 'oo na'. Hindi na muling tumingin si Zjan pabalik at nagdiretsong umalis na talaga.
Binigyan ako ni Sam ng tingin na parang sinusuri ako. "Siguro, hinihiling mong mabunot mo siya ulit 'no?"pagtutukso pa ni Sam at mahina akong siniko sa gilid ko na nagpaigtad agad sa'kin nang mahina.
"Gag@, aanhin ko naman"sabi ko at pasimpleng sinuri ulit ang mga papel sa kahon.
Umubo siya ng peke. "Sige, maniniwala mga langgam"sabi pa niya at ako naman ang umubo, totoo kaso. "Aba! kakausapin kong maniwala pag ganoon!"anas ko at talagang hinawi pa ang ilang hibla ng buhok ko.
YOU ARE READING
Hello, Mr.Act of Service
RomanceSamantha Liya Caballero, is an independent, strong, attitude and kinda bossy girly who loves to do things she want in her life without depending it on someone, all by herself, since, she was raised by a strong and independent woman. But, she met som...