KABANATA XXXVII - Jealous

17 2 0
                                    

SAMANTHA POV:

[https://music.apple.com/ph/playlist/romantic-scenes-in-thoughts/pl.u-oZyl32WCGg9eeLk  - playlist to listen while reading this chapter]

This past few days . . hindi ko alam kung naprapraning lang ako o talagang dapat ko itong maramdaman.

Kasi naman, pa'no ko ba i-e-explain nang hindi ma-i-invalidate ang feelings ko ha. This past few days kasi ay tila mas nagkakaroon ng interaction sina Shannelle at Rej.

Dadating pa yan sa point na palagi niyang hinihiram ang hair clip ni Shannelle at ilalagay sa buhok niya. Haha, tangin@. Nung una, hinahayaan ko syempre, like, hindi ko rin siya masisisi kung gusto niyang hiramin ang hair clip ni Shannelle kung gusto niya.

Pero, tumagal na ito ng halos isang linggo kakahiram. Ano ba, pwede naman siyang humiram sa'kin kung gusto niya diba?

Kasalukuyan akong narito sa upuan ko, nagrereview. Parang bigla kong gustong sumabog nang makita kong papunta siya sa pwesto ni Shannelle, kung saan nag-uusap siya kay Xyriel.

Hindi na siya nag-aksayang magtanong ng permiso at basta lang itong kinuha, hindi naman nagreklamo o nag-ano si Shannelle.

Aba ayos yan. Nang makita ko siyang naglalakad na papunta sa pwesto ko, agad akong nagbusy-busyhan. Walang pumapasok sa utak ko kundi ang paghihiram niya ng hair clip.

"Gawa mo?"tanong niya agad saka nilaro ang clip na nasa buhok niya.

Bakit ako nagseselos dahil nanghihiram siya ng clip?

"Nagrereview"matipid kong sagot habang ang mga mata ay nakatuon sa notebook ko na may mga sulat.

Mahina siyang napatango. "Patingin nga"ani niya at lumapit sa pwesto ko para matingnan ang binabasa at minememorize ko.

"Ang init"sabi ko sa kawalan, dahilan para agad ko itong pagsisihan. Pagkatapos kong sabihin iyon, bigla siyang umalis at pumunta sa likod na para bang may hinahanap.

Hindi nagtagal bumalik din siya, hawak-hawak ang isang maliit na illustration board. "Mainit?narito na ako at ang mahiwagang pamaypay"sabi niya at naglagay ng maliit na ngiti sa labi niya.

Kung hindi lang ako nagseselos, paniguradong nakangiti at namumula na ako. Namumula rin naman ako ngayon, namumula sa selos.

"No need. Hindi rin naman talaga masyadong mainit"pagtatanggi ko. Maniwala langgam. "Hindi pala?parang hindi ata, sabi ng mga maliit na pawis mo?"tanong niya at ngumisi.

Kumuha ako ng tissue at pinahidan ang iilang pawis ko at saka tumayo para itapon ang tissue na nagamit sa basurahan.

Pagkaupo ko ulit. Kumuha siya ng isang upuan at pinaypayan ako kahit wala akong sinabi. Hindi na ako tumanggi dahil hindi naman siya tumatanggap ng 'hindi'.

Tumagal ng halos labing limang minuto ang pagpapaypay niya sa'kin. May mga pagkakataon na magtatanong din siya sa isang leksyon. Nakikireview din kasi siya.

Maya-maya ay lumapit si Shannelle sa upuan niya saka nagsalita. "Rej, paturo nga sa assignment sa Math. Hindi ko makuha-kuha eh."

Hindi ko na nilingon dahil alam kong matalim ang tingin ko iyon. Hindi ako nagseselos sakaniya, nagseselos ako sa mga ginagawa niya. Paniguradong hindi niya alam na nagseselos na ako. Kahit pagbabaliktarin ang mundo, hindi ako aamin na nagseselos ako.

Ramdam kong napatingin si Rej sa'kin at hindi na inilayo ang tingin niya. "Ba't sa akin?"tanong niya. Tama 'yan, tanggihan mo. "Pwede naman kay Sam?"tanong niya pa ulit. Ay gagO, sa'kin pa talaga ibibigay. Nagrereview ako!

Hello, Mr.Act of ServiceWhere stories live. Discover now