Leicel Aleina POV:
Kakaalis lang namin sa kwarto, kung nasaan sina Samantha at Keo.
Nagtataka talaga ako, kung ano na naman ang magiging sagutan ng dalawang iyon?ang huling kita kong magkasama sila, may luhang nahuhulog aa mukha ng isa't isa.
Hindi ko sadyang makita iyon, dahil talagang hindi namin ine-expect ni Samantha na pupunta siya ng biglaan.
Anyways, ayoko nang isipin at problemahin ang problema ng lovelife ni Samantha, like, siya lang ang lubos na nakakaintindi at nakakalaam ng nangyayari 'no.
Malaki na rin kaya siya upang magdesisyon para sa sarili niya.
"Tama kaya ang ginawa natin na iwan silang dalawa sa kwarto?"tanong ni Raven.
Itong si Raven talaga, iba ang pumapasok sa utak niya.
"Guys, don't judge me agad naman, it's just, may nangyayari talaga sa dalawang tao kapag iniwan mo silang dalawa lang"pagdedepensa niya.
Agad ko namang hinila si Shan sa tabi ko, upang ilayo kay Raven.
"Huwag kang maging ganyan, Shan, ha?mapanatili sana ang pagiging mabuting tao mo"sabi ko at ngumiti pa ng nakakasar kasabay nito ang maikling tawa ko.
"Sus sus"komento naman ni Shan sa'kin.
"Huy, tinuturuan ka nga ng magandang asal eh"biro ko at binitawan siya.
"No need, I'm always a good person naman"he said and fix his hair
Napa-iling nalang kami ng ulo sa naging komento ni Shan.
Saka, labis talaga akong magtataka kung bakit nagmamadali si Jovie kanina, kahit na alam niyang may pupuntahan kami.
Hindi naman tungkol sa pamilya niya, dahil kapag pamilya niya ang usapan, nagluluha na siguro ang mata niya agad.
Ngayon ko lang naalala ulit na niyaya pala ako ni Troy kanina na magstreetfood.
Mahahanap niya kaya ako?o baka nakalimutan na nga niya rin 'yon siguro.
Habang nag-aasaran kaming tatlo sa isang bench, nakita ko mula sa malayo si Troy kasama ang barkada at kakambal niyang si Trey.
Habang naglalakad siya, tila naglalakad ang isang prinsipe na ubos ng kagwapuhan at charisma.
Bawat yapak niya palapit saakin, ay tila mas lumalakas ang tibok ng puso ko at humihina ang paligid, na tila slow motion ang nangyayari, at kaming dalawa lang ang nasa paligid.
Nakatingin ako sakaniya at nakatingin din siya sa'kin.
Sa bawat pagtapak niya palapit sa'kin, ay mas lumalabas at kumukurba ang matamis nitong ngiti, na nagpadagdag pa ng kagwapuhan niya.
Hindi ko na namalayang narito na pala siya sa harapan ko, nakatingin sa'kin.
Kailangan ko pang tumingin ng mataas upang makita, mas mataas kasi siya sa'kin, hanggang balikat niya lang 'ko.
Nakita kong nagpagilid ang barkada, kakambal niya, at ang mga kaibigan ko.
Aasarin na naman nila ako mamaya.
"Parang ang sarap maglaho sa mundo ngayon 'no?"komento ni Raven.
"Parang sumasakit ata mata ko ah, need ko na magpacheck up"wika naman ng mga barkada ni Troy at kinusot kusot ang mga mata niya.
"Kailangan pa ba talagang ipamukha sa'king single ako?"sambit naman ni Trey.
Hindi nalang namin sila pinansin at nagpaitan ng tingin nalang, ngunit, hindi ko kayang tumitig sa kaniyang mga mata ng matagal, dahil ako'y natutunaw.
"Magandang hapon, bakit ka pala narito?"mahinhin kong tanong at nagpakita ng ngiti.
"Hinahanap kita"sambit niya, nagpamula sa'kin ng lubusan.
Ayoko na, kamatis na naman ako nito, alam na alam niya talaga kung pa'no ako kunin! so unfair, talo na nga sa eye contact, pati pa ba naman dito.
"H-ha?bakit mo naman ako hahanapin?wala naman sa'kin ang mga paa at mata mo"biro ko na nagpatawa sakaniya.
"Nakalimutan mo na bang niyaya kita kaninang magstreetfood?"pagpapa alala niya sa'kin.
"ay ganyanan"
"when kaya mayaya magstreetfood"
"parang nagugutom ako, boss"
"sa harap ko pa talaga"
"H-ha?akala ko biro lang 'yon at nakalimutan mo"sambit ko.
"Diyan ka nagkakamali, miss Leicel, kanina pa niyan nililibot ang campus, makita ka lang"pambubuking ni Trey sa kakambal niya.
Agad namang namula si Troy at napa-iwas ng tingin sa'kin.
Tama ba ang sinabi ni Trey?kung oo, ang cute naman.
"Humanap ka nalang kaya ng maliligawan mo, Trey?upang hindi ka mangbuking at maging bitter dito"biro ni Troy sa kakambal niya.
Umirap lang si Trey sa sinabi ng kakambal niya.
"So, are you free?libre ko"sabi niya, na nagpaliwanag sa mukha ko.
"Libre mo?totoo ba yan?"nakangiti kong tanong.
"Oo, basta ikaw. Eat all you can"sabi niya.
Magsasalita na sana ako, ng mag sinabi na naman si Trey na pambuking sa kakambal niya.
"Kaya naman pala tinitipid mo mga baon mo sa mga nakaraang araw, may li-librehin ka pala, ngayon alam ko na"sambit ni Trey.
"Isa pa Trey, susumbong kita kay mama tungkol sa nangyari kanina"babala ni Troy dahil binuking na naman siya.
Hala?totoo ba?ngi, parang may iba akong nararamdaman sa tiyan ko.
"Si kuya naman, hindi mabiro"sabi ni Trey habang kamot-kamot ang ulo niya.
"Sorry about that, so, are you free?"he asked.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko, dahil sinabi na nila kanina na may pupuntahan kami pagkatapos gumawa ng school works.
"Bakit tiningnan mo kami?Leina?syempre okei lang sa'min"wika ni Raven at binigyan ako ng pangsisigurado na ngiti.
"Yeah, Raven is right, we can handle ourselves na kaya. Kaya, go, basta, ingatan mo 'tong kaibigan namin ah?" sabi ni Shan at tiningnan ng maigi si Troy na parang may pinapaabot.
"I will, I promise that, you could trust me with that"pangsisigurado ni Troy at nagpalabas ng matamis na ngiti.
"O siya, sige, mauna na kami, Leicel. Text mo lang kami kung may nangyari at kung kailangan mo ng tulong ha?'wag mahihiya"sabi ni Raven at ngumiti rin.
"Sige, kayo rin, ingat kayo ha?"sambit ko at kinawayan sila.
Kumaway silang dalawa pabalik bago hinatak ni Raven si Shan upang lumayo sa lugar na 'yon.
Nang tuluyang maka-alis sina Raven at Shan ay, nagpaalam na rin ang kakambal ni Troy at mga barkada niya.
"Tara?"nakangiting tanong ni Troy, ang tamis ng ngiti nito, na para bang, binibigyan ako nito ng hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.
"Tara, handa na ako"sabi ko.
Hindi siya aware sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko ngayon. Kasi hindi niya naman alam ang lihim kong pagtingin sakaniya.
Kung nagtataka kayo sa inaasta ng mga barkada niya?baka napagkakamalan lang o trip nila, dahil halos lahat ng mga tao sa campus ay nagsasabing bagay daw kami.
———
Samantha pretty_0
YOU ARE READING
Hello, Mr.Act of Service
RomanceSamantha Liya Caballero, is an independent, strong, attitude and kinda bossy girly who loves to do things she want in her life without depending it on someone, all by herself, since, she was raised by a strong and independent woman. But, she met som...
